Sylvia puring-puri sina Ria, Elijah at Iana: Hindi ko ito sasabihin kung hindi ito kasi ako ang mapapahiya Bandera

Sylvia puring-puri sina Ria, Elijah at Iana: Hindi ko ito sasabihin kung hindi ito kasi ako ang mapapahiya

Ervin Santiago |April 26,2022
share this

Sylvia puring-puri sina Ria, Elijah at Iana: Hindi ko ito sasabihin kung hindi ito kasi ako ang mapapahiya

Ervin Santiago - April 26, 2022 - 07:06 AM

Sylvia Sanchez, Ria Atayde, Iana Bernardez, Elijah Canlas at Ricky Davao

“ALAM ko kaya ni Ria, eh. Nakita ko naman kapasidad ng anak ko,” ang reaksyon ng premyadong aktres na si Sylvia Sanchez ngayong magkasama na sila ni Ria Atayde sa isang family drama series.

Makalipas ang pitong taon simula nang pumasok sa mundo ng showbiz si Ria, ngayon lang sila talaga magkakasama at gaganap na mag-ina sa isang digital series ng ABS-CBN mula sa Dreamscape Entertainment.

Ang tinutukoy nga ni Ibyang ay ang original iWantTFC series na “Misis Piggy” na nagsimula na kahapon, April 25, kung saan makakasama rin nila sina Elijah Canlas at Iana Bernardez.

“Una, tinanggap ko ready na ako. And alam ko kaya ni Ria, eh. Nakita ko naman kapasidad ng anak ko. Hindi ko naman sasabihin na magaling siya kung hindi siya magaling dahil ako yung critic niya eh.

“From day one pagpasok niya sa showbiz. Kampante ako na kaya ni Ria kahit first scene iyakan or mabigat.

“Noon pa hinahangaan ko si Ria bilang aktres, yung kapasidad niyang umarte. Para mas hinangaan ko siya nu’ng kaeksena ko na siya talaga,” pahayag ni Sylvia sa mediacon ng “Misis Piggy” last April 21.

Bukod sa husay ni Ria na gumaganap na panganay niyang anak sa serye, ipinagmalaki rin niya ang iba pang cast ng programa.

“Gusto ko itong ipagmalaki, ang galing ni Ria dito. Ang galing ni Iana (Bernardez) at ni Elijah Canlas. As in wow! Hinahangaan ko yung tatlo dito, yung mga anak ko rito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jojo Campo Atayde (@sylviasanchez_a)


“Panoorin niyo ito. Napakanatural nilang aktor. Talagang ako hindi ko na kailangan mag-motivate. Sarili ko na lang iniintindi ko. Ang galing-galing nila.

“At saka higit sa lahat, napakamarespeto nitong tatlo sa set. Magagaling sila. Nakaka-proud dito yung tatlo kong anak. Ito yung bagong mga actors na actors in the true sense of the word. Promise.

“Ang galing-galing nila. At hindi ko ito sasabihin kung alam kong hindi ito totoo kasi ako ang mapapahiya. Bow ako sa mga anak ko,” ani Ibyang.

Samantala, nagbigay din siya ng saloobin tungkol sa misconceptions ng ibang tao patungkol sa mga artistang galing sa showbiz family lalo na ang mga anak ng celebrities na pumapasok din sa pag-aartista.

“Napaka-challenging kasi unang-una, akala kasi ng lahat pag anak ka ng artista, easy lang na makapasok ka sa pag-aartista and okay na, ibibigay na sa ‘yo lahat. Hindi eh.

“Like ako nahirapan ako. Anak ko yung dalawang yun (Arjo at Ria). May mga kaibigan ako sa showbiz dito sa ABS-CBN, of course kaibigan ko na lahat.

“Kaya ko manghingi ng favor sa ibang tao pero para kay Arjo at kay Ria ayoko. Kasi gusto ko kunin yung mga anak ko dahil sa galing at pinush ko.

“Mahirap din sa mga bata. Challenging din na yung nanay mo ay artista. Mahirap talaga pareho. Kasi mas under sila sa shadow natin,” paliwanag pa ng Sylvia.

Ang palagi niyang ipinapayo sa mga anak, “Sinasabi ko sa kanila, ‘Humanda kayo pag narinig ko sa mga kapwa ko artista na seniors na hindi ka rumespeto, hindi ka nagpakilala.’

“Pero sabi ni Ria, ‘Mommy, nahihiya kami.’ Sabi ko, ‘Anong mas nakakahiya, yung dadaan daanan niyo yung seniors or lumapit kayo at magsabi kayo ng hi po, I’m Ria or I’m Arjo.’ Respeto. Mas mapapansin ka nun eh. Mas ma-a-appreciate ka nu’n.

“Sabi ko kay Ria at kay Arjo, kapag nahihiya kayo na hindi kayo babati sa mga seniors, mas nakakahiya yun kung hindi niyo sila lalapitan. Yung hiya hiya na yun, sorry sa word, pero bullsh*t yang word na yan na nahihiya po.

“Importante sa amin yun. Kahit ako ngayon, pag may makita akong mga seniors, I say hello po. Kailangan yun eh. Respeto yun eh. So du’n lang pumapasok pagka-nanay ko,” diin ng aktres.

Kasama rin sa iWantTFC series na “Misis Piggy” sina Ricky Davao, Rubi Rubi, Fino Herrera, Kyle Velino at Nikko Natividad. Ito’y sa direksyon ni Carlo Catu.

Sylvia Sanchez pinaiyak si Ria Atayde sa presscon ng ‘Misis Piggy’: Never akong humingi ng favor para sa mga anak ko

Ria Atayde nagsalita na sa tunay na relasyon nila ni Joshua Garcia: I’m super comfortable with him

Ria Atayde kakaririn na ang pagiging producer, hindi type maging vlogger

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending