Sylvia bawi na ang puhunan sa 'Topakk', tuloy ang pagpo-produce

Sylvia Sanchez nabawi na ang puhunan sa ‘Topakk’, tuloy ang pagpo-produce

Reggee Bonoan - January 15, 2025 - 09:20 AM

Sylvia Sanchez nabawi na ang puhunan sa 'Topakk', tuloy ang pagpo-produce

Arjo Atayde, Enchong Dee, Sylvia Sanchez at ang iba pa nilang kasamahan sa ‘Topakk’

“KAHIT hindi kami masyadong kumita, may pa-thanksgiving pa rin kami para sa lahat!” ang sabi ng Nathan’s Studio producer na si Sylvia Sanchez.

Nagkaroon ng thanksgiving party ang cast, staff and crew ng Metro Manila Film Festival 2024 entry na “Topakk” sa isang restaurant sa Quezon City nu’ng Enero 10.

Aminado si Sylvia na hindi gaanong kumita sa takilya ang pelikulang “Topakk” nina Arjo Atayde at Julia Montes mula sa direksyon ni Richard Somes.

Nakalulungkot lang dahil kung kailan ginanap ang golden year ng MMFF ay saka naman mahina ang kita ng 10 kalahok. Maging ang pelikula ni Vice Ganda ay hindi rin ganu’n kalakas kung ikukumpara sa mga nauna nitong record sa Metro Manila Film Festival.

Baka Bet Mo: Sylvia mas ginanahang mag-produce dahil sa concert ni Ice: Yun ang No. 1 para sa akin, pumalakpak ako, kumanta, umiyak, tumawa

Pero masayang ikinuwento ni Ibyang (tawag kay Sylvia) na itinawag na sa kanila na soldout na ang screening ng “Topakk” sa gaganaping Manila International Film Festival sa Los Angeles, California, USA.

Nabanggit namin na naunang napanood ang “Topakk” sa Locarno Film Festival sa Switzerland kaya nabawi na nila ang puhunan ng pelikula at sinang-ayunan naman ito ni Sylvia.


“Siyempre iba naman ‘yung gastos namin dito (Pilipinas), ‘yun ang hindi bawi,” kaswal nitong sabi sa amin.

Gayunpaman ay masaya sina Sylvia kasama ang asawang si Papa Art Atayde at anak na si Congressman Arjo Atayde dahil ang ganda ng naging samahan nila sa buong cast ng “Topakk” na matatawag na rin nilang mg kapamilya.

Siniguro rin ni Ibyang na magkakatrabaho ulit sila sa mga susunod na pelikulang ipoprodyus ng Nathan Studios.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending