Arjo emosyonal sa unang State of the District Address: Round 2!

Arjo Atayde emosyonal sa unang State of the District Address: Round 2!

Reggee Bonoan - March 26, 2025 - 11:26 AM

Arjo Atayde emosyonal sa unang State of the District Address: Round 2!

Arjo Atayde

“LET’S go for round two,” ang napangiting sabi ni 1st District Rep. Juan Carlos “Arjo” Campo Atayde pagkatapos ng kanyang unang State of the District Address sa SM Skydome, SM City North Mall.

Nabanggit ito ng aktor at politiko dahil marami pa siyang gustong gawin para sa nasasakupan niya sa Distrito Uno pagkatapos niyang i-report ang lahat ng accomplishments niya.

May 450,000 residente ang naninirahan sa District 1 kaya humihingi ulit si Arjo ng pagkakataong muling maluklok bilang kinatawan nila sa kongreso.

Emosyonal si Cong. Arjo sa simula pa plang ng kanyang SODA dahil abut-abot ang pasasalamat niya sa lahat mula nang maupo siya noong 2022 dahil pinagkatiwalaan siya considering na first timer niya bilang public servant.

Sa pagkakatanda namin nu’ng umupo si Cong. AA ng Hulyo, 2022 ay nag-file na kaagad siya ng anim na panukalang-batas kabilang na ang The Eddie Garcia Bill katuwang ang kapwa kongresistang si Christopher de Venecia.

Dumiretso ito sa senado na inaprubahan din kaagad at pinirmahan ni Presidente Bongbong Marcos, Jr. noong Mayo, 2024 kaya naging ganap na itong Batas Republic Act 11996.

Ang nasabing batas ay tumatalakay sa iba’t ibang regulasyon para maisaayos ang oras ng trabaho, suweldo, kaligtasan sa lugar ng trabaho sa entertainment industry.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maine Mendoza Atayde (@mainedcm)


Ang mga nilalaman ng report ni Cong. Arjo sa naganap na SODA ay ang mga sumusunod:

*11,498 workers assisted through the TUPAD emergency employment program

*1,500 applicants connected to overseas jobs through the Taiwan Job Fair

*1,100 residents trained under TESDA and other livelihood initiatives

* 245 small entrepreneurs supported with ₱15,000 in capital via the Sustainable Livelihood Program

*60 dialysis patients a day receiving free treatment at the district’s new facility

*75,466 individuals provided with medical assistance

*4,598 students receiving CHED educational aid, and 1,410 scholars supported under Tulong Dunong and SMART

*132,567 families benefiting from the Rice Distribution Program

* 65,300 residents receiving free meals through Kusina on Wheels

*64,000 families given Pamaskong Handog during the holiday season

*7,789 families aided after fires and 3,501 families provided with burial assistance

*40,684 individuals extended financial assistance for various needs

Aniya pa, “On education and youth development, he shared that sa pamamagitan ng CHED Educational Assistance, 4,598 mag-aaral ang nabigyan ng suporta para maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral, a total of ₱2,817,000.00 in cash allowance ang naipamahagi sa 929 senior high school students sa ilalim ng Tulong Eskwela Program.”

Pinatunayan din ito ng Ina ng Lungsod ng Quezon na si Mayor Joy Belmonte na malaki ang pagbabago ng distrito uno dahil Aksyon Agad ang sagot ni cong AA.

“Dito ay nasusubukan ang husay ni congressman Arjo Atayde, masasabi kong nagiging madali ang aking trabaho dahil meron akong katuwang sa pagtugon at pagkilos sa mga panahong kailangan ng madaliang aksyon.

“Masuwerte akong may kapareho ako ng layunin at pangarap sa ating lungsod at isa sa aking ipinagmamalaking kasangga sa pamumuno ay ang ating butihing mambabatas mula sa Unang Distritos,” parte ng speech ni Mayor Joy.

Nabanggit ding hinahangaan si Arjo sa industriya ng telebisyon at pelikula pero mas lalo siyang minamahal at suportado ng taumbayan bilang kongresista simula noong 2022.

“Mula noon ay ipinakilala niya sa atin ang kanyang brand of leadership, Aksyon Agad!  Mabilis na pagtugon sa mga kinakaharap ng mamayan, isang klase ng liderato na malayung-malayo sa kinagisnan ng mga distrito uno.

“Sa una niyang termino bilang House of Representatives ay pinatunayan niya sa serbisyo publiko ay hindi nasusukat sa tagal ng panunungkulan sa halip ay nakikita ito sa sipag at pagbuo ng mga kapaki-pakinabang na batas na malaking epekto sa buhay ng sambayanan,” pahayag pa ni Mayor Joy.

Dagdag pa, “Bukod sa paggawa ng batas ay prayoridad niya ang paghahatid ng mga program ana direktang pinakikinabangan ng mga residente sa kanyang distrito. Matatag ang kanyang pagtindig sa katiwalian at partner ko siya in good governance.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, bago nagsalita si Cong. Arjo ay naghandog ng panalangin para sa kanya ang tatlong religious affiliations tulad ng Katoliko, Islam at Iglesia ni Cristo para sa muli niyang laban ngayong Mayo 12, 2025.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending