QC binuksan ang 1st museum na nagbibigay-pugay sa kababaihan

QC binuksan ang 1st-ever museum na nagbibigay-pugay sa kababaihan

Pauline del Rosario - February 23, 2025 - 05:14 PM

QC binuksan ang 1st-ever museum na nagbibigay-pugay sa kababaihan

PHOTO: Facebook/QC Mayor Joy Belmonte

BAGO ipagdiriwang ang Women’s Month sa Marso, opisyal nang binuksan ang Tandang Sora Women’s Museum sa Quezon City!

Ito ang kauna-unahang museo sa bansa na nakatuon sa makapangyarihang ambag ng kababaihan sa kasaysayan.

Matatagpuan ito sa tabi mismo ng Tandang Sora National Shrine, bilang pagpupugay kay Melchora Aquino, ang hinahangaang “Ina ng Himagsikan.”

Ang kanyang tapang at malasakit sa bayan ay patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa mga kababaihang patuloy na lumalaban para sa kanilang mga karapatan.

Baka Bet Mo: V-Day 2025: Intramuros very romantic, nostalgic, picture perfect date spot

Kasabay ng grand inauguration, binigyang-diin ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang kahalagahan ng proyektong ito sa pagpapalaganap ng kasaysayan at women empowerment.

“This museum is more than just a collection of artifacts; it is a testament to the strength, struggles, and triumphs of Filipino women throughout history,” sey ng alkalde.

Layunin niyang gawing inspirasyon ang museo para sa mga kabataang tagapagtanggol ng hustisya at pagkakapantay-pantay.

Naitayo ang museo sa tulong ng pondong ipinagkaloob ni Senador Risa Hontiveros na kilala rin sa pagsuporta ng women’s rights.

Ayon kay Hontiveros, ang proyektong ito ay hindi lang paggunita sa nakaraan kundi tuloy-tuloy na hakbang sa women’s empowerment.

“This project symbolizes our commitment to gender equality and serves as a platform for honoring past legacies while inspiring future advocates,” sambit ng senadora.

Ang nagdisenyo ng gusali ay si Architect Gerard Lico na ang naging inspirasyon niya ay ang bahay na bato bilang pagpupugay sa mayamang pamana ng ating lahi.

Ibinida rin ng museo ang kakaibang paraan ng pagpapakita ng HERstory—ang kasaysayan mula sa pananaw ng kababaihan!

Tampok dito ang interactive exhibits mula sa sinaunang sibilisasyon hanggang sa makabagong feminist movements.

Mayroon ding creativity corner na tinatawag na “Isip at Gawa”, multimedia displays, at isang malawak na gallery ng feminist movements na nagbigay-hugis sa kasaysayan ng ating bayan.

Pinamunuan ni Sandra Torrijos, isang batikang artist at feminist, ang pagbuo ng koleksyon ng museo.

Sinigurado rin niyang accessible at inclusive ito para sa lahat, kaya’t may wheelchair ramps, lifts, at facilities para sa mga breastfeeding moms.

At para sa mas maraming makabisita, LIBRE ang entrance sa museo tuwing National Arts Month na ipinagdiriwang tuwing Pebrero at Women’s Month na tuwing Marso naman.

Dagdag pa rito, libre rin ito para sa mga residente ng Quezon City basta’t may dalang valid ID.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa pagbubukas ng Tandang Sora Women’s Museum, hindi lang ipinagdiriwang ang mga tagumpay ng kababaihan—ipinapakita rin nito na nangunguna ang Quezon City sa pagsusulong ng gender equality at pangangalaga ng kultura.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending