Joy Belmonte sa presscon ng QCPD para kay Gonzales: There was something wrong | Bandera

Joy Belmonte sa presscon ng QCPD para kay Gonzales: There was something wrong

Therese Arceo - August 30, 2023 - 05:52 PM

Joy Belmonte sa presscon ng QCPD para kay Gonzales: There was something wrong

Quezon City Mayor Joy Belmonte. INQUIRER FILE PHOTO / NINO JESUS ORBETA

NAGLABAS ng saloobin ang alkalde ng Quezon City na si Mayor Joy Belmonte ukol sa nangyaring presscon ng Quezon City Police District (QCPD) sa dating pulis na sangkot sa viral road rage accident na nangyari ngayong buwan.

Matatandaang noong Linggo ay humarap si Wilfredo Gonzales sa QCPD headquarters sa Camp Karingal sa tulong ni QCPD Director Brig. Gen. Nicolas Torre III matapos ang kaniyang pagsuko kaugnay sa isyung kinakaharap.

“I’m not a lawyer or police, but as a regular citizen, I’m outraged na siya pa ang binigyan ng platform para magbigay ng kaniyang panig,” pagbababagi ni Belmonte sa kanyang panayam sa Radyo 630 na naiular ng ABS-CBN nitong Martes, August 29.

Dagdag pa niya, “Hindi man lang siya nag-apologize. Siya pa raw ‘yung aggrieved party.”

Ayon pa kay Belmonte, tila pinanigan pa ng QCPD si Wilfredo at binigyan pa ng pagkakataon na ipahayag ang kanyang side sa pangyayari.

“Itong ating QCPD parang sumasang-ayon lang na para siya pa ‘yung nagsasabi ng ‘go ahead, give your side.’

Baka Bet Mo: Gardo Verzosa sa retiradong pulis na nanakot sa siklista: ‘Wag mong kasahan ng baril, di mo yan dapat binabandera at pinagyayabang’

“It felt strange to me… There was something wrong, in my view,” lahad pa ni Belmonte.

Samantala nitong Lunes, August 28, nanawagan ang alkalde ng Quezon City sa cyclist na biktima sa naganap na road incident na lumantad at mag-file ng kaso laban sa suspek.

Saad ni Belmonte, “We are appealing to the complainant to come forward so that Willy Gonzalez, whom I consider a menace to society, is held accountable. We want to assure the cyclist that we will extend legal assistance, as well as put him and his family in our protection, so that justice is served.

“I will not allow this case to be whitewashed. Maaaring natatakot ang biktima na humarap dahil ang nakatapat niya ay taga-gobyerno. Nais nating bigyang-diin na walang puwang ang karahasan sa ating lungsod.”

Dagdag pa niya, ““This culture of impunity is not acceptable in QC and I have a duty and responsibility to maintain peace and order in our city and to send a strong message that acts such as those committed shall not be tolerated and that he must be held accountable.”

Related Chika:
Ai Ai delas Alas tinira ni Lolit Solis sa panggagaya kay Joy Belmonte: Sana walang bastusan, pathetic ang dating!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

AiAi delas Alas nag-sorry kay Mayor Joy Belmonte: Ayoko naman po talagang nakakasakit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending