AiAi delas Alas nag-sorry kay Mayor Joy Belmonte: Ayoko naman po talagang nakakasakit
MULING binalikan ng Kapuso actress-comedienne na si AiAi delas Alas ang isyu patungkol sa pagkakadeklara niya bilang “persona non grata” sa Quezon City noong June 2022.
Sa kanyang panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay napag-usapan nga nilang muli ang nangyari.
“Bilang ‘persona non grata,’ una sa lahat hindi ko talaga alam ang meaning nun. Nalaman ko na lang noong, ‘ah, dineclare pala akis,’” pabirong saad ni AiAi.
Ngunit nilinaw niya na nagawa niya lang ang parody video noong kasagsagan ng election campaign dahil trabaho ito at isa siyang artista. Inamin pa niya na may ilang siyang pina-edit dahil alam niyang maaaring masaktan ang Quezon City mayor.
“Sa totoo lang, hindi ko akalain na ganun pala yun kasi ginawa ko po yun bilang artista po. Sila naman ang gumawa ng script noon, si direk [Darryl Yap], sila tapos ako yung artista. So, sabi ko sa sarili ko, talagang yung iba doon pina-edit ko kasi ang alam ko baka ma-offend si Mayora [Joy Belmonte],” pagbabahagi ni AiAi.
Dagdag pa niya, “Nagpa-edit ako kasi alam kong doon sa ibang sasabihin ko baka ma-offend si Mayora, so pina-edit ko siya.“
View this post on Instagram
Humingi naman ng paumanhin ang aktres kay Mayor Joy sa naganap noong nakaraang taon.
“But since ayon na nga parang na-offend siya, pasensya na Mayora na ako pala ay nakasakit sa iyo pero artista lang ako kumbaga kaya ginawa ko yun kasi inutos lang sa akin,” sabi ni AiAi.
Inamin rin niya na nagulat siya nang malamang biglang nagkabati sina Darryl Yap at Mayor Joy.
“Biglang bati na sila ni Direk, tapos kami di kami bati. Para akong naiwan sa ere. Bakit kayo bati? ‘Baby D, huwag mong bati si Mayora’ tapos bati na sila. Ako yung hindi nila kabati, bakit ganoon?” natatawang sey pa ni AiAi.
Biro naman ng komedyana sa alkalde ng Quezon City, “Alam mo Mayora dapat hindi ka na nagtatampo sa akin kasi kapag nagtampo ka sa akin parang nagtampo ka sa sarili mo. Eh ‘di ba magkamukha tayo.”
Hirit pa ni AiAi, “Ayoko naman po talagang nakakasakit. Hindi ko naman po alam na mahu-hurt siya doon.”
Matatandaang ang sanhi ng pagkakadeklara bilang “persona non grata” ng Kapuso star at ni Darryl Yap dahil sa ipinalabas na video sa VinCentiments Facebook page na 2022 election campaign material ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor dahil sa hindi paggalang at paglabastangan sa triangular seal ng Quezon City.
Related Chika:
Parusang ‘persona non grata’ kina Ai Ai, Direk Darryl pwedeng bawiin, sey ni Lagman: We just want an apology
Darryl Yap nag-react sa kanyang ‘persona non grata’ status sa QC: Very immature
Ai Ai delas Alas naglamyerda sa isang mall sa QC: Hindi ako nag-alala o natakot
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.