Parusang ‘persona non grata’ kina Ai Ai, Direk Darryl pwedeng bawiin, sey ni Lagman: We just want an apology
USAP-USAPAN ngayon ang Kapuso comedy queen na si Ai Ai delas Alas at ang VinCentiments director Darryl Yap matapos silang patawan ng “persona non grata” sa lungsod ng Quezon.
Matatandaang nitong Martes, June 7 ng gabi ay tuluyan nang inaprubahan ang inihaing resolusyon ni QC District IV Councilor Ivy Lagman kung saan ipinapadeklara niyang persona non grata ang dalawa.
Ito ay may kaugnayan sa inilabas na campaign video na idinirek ni Darryl noong Abril kung saan bumida si Ai Ai bilang si Mayor Ligaya Delmonte. Makikita sa naturang video ang triangular seal ng lungsod at para sa konsehal ay “kabastusan” ang ginawa nito sa triangular seal ng QC.
Ngunit posible namang mapawalang bisa ang ipinataw na parusang “persona non grata” basta lamang maglabas ng sincere public apology sina Ai Ai at Darryl ukol sa kanilang ginawa sa official seal ng lungsod na makikita sa naturang campaign video.
“We just want an apology. And ‘pag sincere naman ‘yung public apology siguro the next city council can lift that,” saad ni Councilor Lagman sa INQUIRER.net.
Dagdag pa niya, “Kung mag-apologize sila, sincerely apologize sila in public, sincere apology and public, eh baka po ma-lift ng city council ‘yung status ng persona non grata.”
View this post on Instagram
Matatapos na kasi ang termino ng kasalukuyang city council ngayong June 30.
Nilinaw naman ni Coun. Lagman na sa kabila ng pagpapataw ng “persona non grata” status kina Ai Ai at Darryl ay maaari pa rin naman silang makapunta at makapasok sa lungsod ng Quezon dahil ang legislative action ay ekpresyon lamang ng “sentiment of the city council”.
Ito ang pangunahing tanong ng madlang pipol lalo na at isang GMA talent si Ai Ai at located ito sa Quezon City.
Pagpapaliwanag ng konsehal, “It’s just a sentiment of the city council. Nobody is stopping her to go to Quezon City. Ito po ay parang symbolic lang po ito, na ayaw po namin ng ginawa ninyo. So parang, it’s officially ide-declare ka naming persona non grata, you are an unwelcome person. But still, pwede pa naman siyang pumunta.
Pagpapatuloy niya, ““Hindi naman po tayo maglalagay ng parang patrol na magche-check kung sino ‘yung mga hindi pwedeng pumunta ng Quezon City. This does not curtail your freedom to travel and that’s mandated by the Constitution.”
Related Chika:
Ai Ai dedma lang sa parusang ‘persona non grata’ sa QC, sigaw ng fans: Unbothered Queen! Pak! Love it!
Ai Ai, Direk Darryl napatunayang binastos ang Quezon City seal, ang parusa: ‘persona non grata’
Ai Ai delas Alas, Darryl Yap papatawan ng parusang ‘persona non grata’ sa QC?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.