Ai Ai delas Alas, Darryl Yap papatawan ng parusang 'persona non grata' sa QC? | Bandera

Ai Ai delas Alas, Darryl Yap papatawan ng parusang ‘persona non grata’ sa QC?

Therese Arceo - June 07, 2022 - 06:37 PM

Ai Ai delas Alas, Darryl Yap papatawan ng parusang 'persona non grata' sa QC?
USAP-USAPAN ngayon ang Kapuso actress at comedienne na si Ai Ai delas Alas at ang direktor ng VinCentiments na si Darryl Yap matapos maghain ng isa sa mga konsehal ng Quezon City ng resolusyon upang ideklara bilang “persona non grata” ang dalawa.

Ito ay may kinalaman sa campaign video na inilabas sa VinCentiments kung saan ginamit ng mga ito ang Quezon City triangular seal.

Ang naturang video ay isang campaign material para sa mayoral candidate at Anakalusugan Rep. Mike Defensor kung saan gumanap bilang Mayor Ligaya DelMonte. Makikita rin ang triangular seal ng Quezon City sa background na may nakasulat na “BBM-Sara”.

Pare-parehas na taga-suporta ng UniTeam ang tatlo.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)

 

Hindi lang ang dalawa ang balak patawan ng “persona non grata” kundi lahat ng mga taong naging parte ng naturang video.

Ayon kay outgoing Quezon City District 4 Councilor Ivy Lagman, isang pambabastod ang ginawang ng VinCentiments team.

“I am calling all the content creators, especially Mr. Darryl Yap and Ms. Ai-Ai delas Alas, and many others who were part of this project, to apologize to the citizens of Quezon City for debasing and bastardizing the beloved seal of Quezon City,” saad ni Coun. Lagman sa kaniyang naganap na privilege speech sa 94th Regular Session ng 21st City Council.

Dagdag pa niya, “It is a great disrespect and disregard of the laws of our land to superimpose the said seal just to campaign for a politician… I reiterate our call for these people, Mr. Darryl Yap, Ms. Ai Ai Delas Alas, Cong. Mike Defensor and his cohorts, to apologize to the citizens of Quezon City for their actions, and also promise to never do such acts again.”

Ibinahagi naman ni Darryl ang naturang balita sa kanyang Facebook page na may caption na “Yoko nga”.

Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag ang Comedy Queen hinggil sa isyung kinasasangkutan.

Bukas naman ang Bandera para sa pahayag ng Kapuso star ukol sa kinakaharap na kontrobersya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Ai Ai bugbog-sarado sa netizens dahil sa pang-asar na TikTok video: Sayang ka, nakakahiya ka!

Harry Roque: Ate Ai, hindi ka nagkamali sa sinamahang grupo… hindi mawawala ang iyong prangkisa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending