Harry Roque: Ate Ai, hindi ka nagkamali sa sinamahang grupo... hindi mawawala ang iyong prangkisa | Bandera

Harry Roque: Ate Ai, hindi ka nagkamali sa sinamahang grupo… hindi mawawala ang iyong prangkisa

Ervin Santiago - April 25, 2022 - 11:17 AM

Harry Roque at Ai Ai delas Alas

MARAMING natawa, pero may mga na-offend at nabwisit din sa “joke” ni Presidential Spokesperson Harry Roque kay Ai Ai delas Alas sa naganap na UniTeam grand rally nitong nagdaang weekend sa Maynila.

Hindi nagustuhan ng mga tagasuporta ng ABS-CBN at ng Kakampinks ang mga naging pahayag ni Roque sa harap ng mga supporters ng tambalang Bongbong Marcos at Sara Duterte patungkol sa usaping prangkisa

Isa si Roque sa mga kumakanditatong senador na nasa ticket ng UniTeam na nagsalita sa campaign rally sa Manila nitong nagdaang Sabado ng gabi, April 23.

Ang Kapuso comedienne na si Ai Ai delas Alas nga ang isa sa nagsilbing host ng event at siya ring nagpakilala kay Roque bilang senatorial aspirant.

Pag-akyat pa lang nito sa stage ay nagbiro agad ito nang makita si Ai Ai. Akala raw niya ay mas gumanda pa ang madalas na nagho-host ng UniTeam rallies na si Toni Gonzaga.

“Kaiba ang ating meeting ngayon kasi sa kauna-unahang panahon, meron tayong bagong host. Nu’ng una ko siyang nakita, ang sabi ko, ‘Bakit naging mas maganda pa si Toni G?’ Yun pala, siya si Ai Ai delas Alas. Palakpakan po natin,” simulang chika ni Roque.

Humirit pa ito ng, “Ate Ai, hindi ka nagkamali sa sinamahang grupo. Hindi mawawala ang iyong prangkisa.”

Hindi nakita sa video ang naging reaksiyon ni Ai Ai sa sinabi ni Roque pero ayon sa mga nagkomento sa lunabas na video, nangingiti lamang ang beteranang komedyana.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)


Para kay Roque ay biro lamang ang kanyang naging pahayag at wala siyang masamang intensyon ngunit may mga bumatikos nga sa kanya, partikular na ang mga supporters ng ABS-CBN na na-bad trip sa pagpaparinig daw ng opisyal sa pagkawala ng prangkisa ng Kapamilya Network noong 2020.

Parang pinalalabas daw nito na mali ang desisyon ng mga kumakampi sa ABS-CBN at sa mga sumusuporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo.

Samantala, hanggang 2042 pa magtatagal ang franchise ng GMA 7 matapos mag-renew noong April 2017.

Nauna rito, ibinandera nga ni Ai Ai ang pagsuporta kina Bongbong at Sarah sa pamamagitan ng isang TikTok video, “Ang gulo — kaya makapag 4 KINI na nga lang… baka kahit ilang segundo ng dahil sa video na ito ay matahimik muna panandali ang mundo ng politika… Basta ako BBM SARA meron UNITY.

“Hindi ako masyadong makahataw baka sumilip ang 2 goiter ko haha or pag nadapa ako bilang di ako sanay mag-heels sumilip ang flower ko, choose 1 lang kaya chill dance na lang,” aniya pa.

https://bandera.inquirer.net/294203/ai-ai-gerald-tuloy-na-ang-pagtira-sa-us-balak-ding-magbuntis-sa-pamamagitan-ng-surrogacy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/283765/ai-ai-sa-pagiging-single-mom-noon-isa-yun-sa-pinakamahirap-na-moment-sa-buhay-ko
https://bandera.inquirer.net/310018/lolit-solis-sa-pagsuporta-ni-ai-ai-kay-bongbong-dapat-ipinagmalaki-mo-kung-sino-ang-gusto-mo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending