Ai Ai dedma lang sa parusang 'persona non grata' sa QC, sigaw ng fans: Unbothered Queen! Pak! Love it! | Bandera

Ai Ai dedma lang sa parusang ‘persona non grata’ sa QC, sigaw ng fans: Unbothered Queen! Pak! Love it!

Ervin Santiago - June 08, 2022 - 11:08 AM

Ai Ai delas Alas

TILA wala namang epekto sa Kapuso comedienne na si Ai Ai delas Alas ang pagpapataw sa kanya ng parusang “persona non grata” ng Quezon City government.

Ito’y matapos ngang ireklamo ng ilang local officials at mga netizens ang pambabatos umano ng Comedy Queen at ng direktor na si Darryl Yap sa Quezon City seal.

Inakusahan sila ng umano’y paglapastangan sa official seal ng Lungsod Quezon nang gamitin nila ito sa isang campaign video para sa katatapos lang na Eleksyon 2022.

Sa mga hindi pa masyadong aware, ito yung campaign video na kumalat sa social media na may titulong “Ligaya Delmonte” kung saan nga bumida si Ai Ai na ginawa at idinirek ni Darryl.

Parehong tagasuporta nina President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Vice President-elect Sara Duterte sina Ai Ai at Darryl.

Sa nasabing video, makikita sa likuran ni Ai Ai ang Quezon City seal na sa halip na “LUNGSOD QUEZON PILIPINAS” ang nakasulat ay “BBM” at “SARA” ang nakaimprenta.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)


Sa kanyang Instagram account, nag-post ang komedyana ng isang TikTok video na kuha sa Amerika. Makikita rito ang pagsasayaw ng veteran actress na tila nagsasabing wala siyang paki sa panibagong isyung kinasasangkutan niya ngayon dito sa Pinas.

Aniya sa caption, “Bakit ako lumapit??? (sa camera). Hindi ko marinig ang music. Hahahaha.

“Laban lang sa lamig pero mas bumilib ako sa mga tao sa likod ko sa baba nagsi swimming sa gabing napakalamig.

“Pero ang ganda sa video no …actually pati sa picture maganda sya,” sey ng komedya with matching hashtags #happywifehappylife, #stamonica, #goodvibes, #losangeles, #enjoylife.

Sa comments section, tinawag siya ng kanyang IG followers na “Unbothered Queen” dahil parang hindi nga siya affected sa pagba-ban sa kanya sa Quezon City.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng mga fans sa kontrobersyang kinasasangkutan ng komedyana.

“Ganda mo Miss Aiai bumabata po look niyo! Super fresh iba talaga pag happy ang life and mahal ng asawa nakaka ganda lalo!”

“Yarn! The Unbothered Comedy Concert Queen!”

“Hahahaha. Napikon sayo yung mayora sa qc ms ai ai. Lakas ng loob i persona non grata ka. Kung ganun lang din labanan mag demand nalang tayong 31m na ipersona non grata siya sa lahat ng lugar na panalo si bbm. hahahaha. hayp siya!”

“Unbothered Queen!! Pak!!! Love it!!!”

“Unbothered ang idol ko sa mga bitter.”

“Travel vlog to Kyusi pls!”

“Hahahaha d shade…Ingat at enjoy po.. Magagalit na naman sila pero deadma na.”

“Welcome na welcome ka dito sa Davao City Ma’am Ai!”

“Maam may babaeng pikon na mayor. magpapagawa ata sya nng sarili nyong daan ni Daryll Yap. kanya naba ang Q.C.ngayon?”

Ang tanong paano na ang bahay ni Ai Ai sa Capitol Heights sa Quezon City ngayong banned na siyang pumasok sa lungsod?

https://bandera.inquirer.net/308022/kahit-hindi-na-magkaibigan-ai-ai-hiling-pa-rin-ang-paggaling-ni-kris-god-bless-her
https://bandera.inquirer.net/308976/pagkawasak-ng-friendship-nina-kris-at-ai-ai-dahil-nga-ba-kay-james-yap

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/300839/pbb-10-ex-housemates-nag-reunion-sa-outside-world-shaibie-kychie-nagpakilig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending