Darryl Yap nag-react sa kanyang ‘persona non grata’ status sa QC: Very immature
HANGGANG ngayon ay trending pa rin ang VinCentiments director na si Darryl Yap kaugnay sa pagkakapataw sa kanila ni Ai Ai delas Alas ng “persona non grata” sa Quezon City.
Sa kanyang panayam sa SMNI, sinabi niya na para sa kanya, “very immature” ang naging desisyon ng konsehal na maghain ng resolution para ideklara silang persona non grata dahil lamang sa video na kanilang ginawa.
“This Ligaya DelMonte, this is part of the colorful tactics in Philippine politics. I find it very immature. I find it very elementary. I find it very rudimentary for these politicians to actually take it personally,” saad ni Darryl.
Pagpapatuloy pa niya, “Well sa palagay ko mas marami silang ginawang mga hindi katanggap-tanggap para gawing unwelcome.”
Mang lumabas naman ang pahayag ng konsehal na maaari pa rin silang makatuntong sa Quezon City sa kabila ng pagiging “persona non grata” ay nag-post naman siya sa kanyang Facebook account kung saan inaaya niya sa isang parlor sa lungsod ng Quezon ang naturang konsehal.
View this post on Instagram
“Galing po mismo sa Konsehal na nagpasimuno nito, na maaari kaming tumapak o magpabalik-balik sa Quezon City.
“Matapos ko po mapanood ang video interview na ito, napagdesisyunan ko pong yayain, publicly, si Councilor Ivy Lagman na pag-usapan namin ang isyu na ito sa kahit saang branch ng David Salon sa Quezon City. Sagot ko na po,” sey ni Darryl.
Marami naman sa mga netizens ang tila hindi happy sa nagiging reaksyon ng direktor ukol sa isyu at tila hindi nito sineseryoso ang diumano’y pambabastos nito sa official seal ng lungsod.
May ilan naman tila kinakampihan si Darryl dahil wala naman daw dapat ikapikon sa ginawa nito at hindi dapat seryosohin.
Sa ngayon ay wala pa ring inilalabas ang dalawa na public apology na tanging hinihiling ng konsehal para ipawalang bisa ang “persona non grata” ng dalawang personalidad.
Related Chika:
Parusang ‘persona non grata’ kina Ai Ai, Direk Darryl pwedeng bawiin, sey ni Lagman: We just want an apology
Ai Ai delas Alas, Darryl Yap papatawan ng parusang ‘persona non grata’ sa QC?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.