Darryl Yapkulang sa pera, koneksyon: Pero 'di kapos sa tapang

Darryl Yap kulang sa pera, koneksyon: Pero ‘di kapos sa tapang, paninindigan

Ervin Santiago - January 23, 2025 - 01:12 PM

Darryl Yap kulang sa pera, koneksyon: Pero 'di kapos sa tapang, paninindigan

MASAYANG ibinalita ni Darryl Yap na natapos na nila ang kabuuan ng kanyang controversial film na “The Rapists of Pepsi Paloma.”

Aminado ang blockbuster director na hindi naging madali para sa buong production ang pagsasapelikula ng buhay ng yumaong sexy star na si Pepsi Paloma na sumikat noong dekada 80s.

Ayon kay Direk Darryl, handa na silang ipa-review sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang kanyang bagong obra ngayong finished na ang pelikula na patuloy pa ring gumagawa ng ingay ngayon.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, nagpasalamat si Direk Darryl sa lahat ng mga taong tumutulong at sumusuporta sa kanilang movie na ipalalabas na sa darating na February.

Baka Bet Mo: Mga Marites abangers na sa pasabog ng ‘Pepsi Paloma’ movie ni Darryl Yap

“Bagamat naging masalimuot ang paggawa ng pelikula— kasama na ang pagpull-out ng mga distributors, pagbawi ng permiso para sa mga awit na gagamitin, pagharap sa mga reklamo at marami pang-iba.

“Natapos namin,” ang bahagi ng announcement ni Direk Darryl.

Patuloy pa niya, “Maraming Salamat sa mga musikerong tumulong upang magkaroon ng All-Original Soundtrack ang #TROPP—hindi ko ito makakalimutan.

“Sa mga patuloy na nagpapahayag ng suporta at paniniwala—nakaukit na ito sa aming puso,” aniya pa.

Ipinagdiinan din ng controversial filmmaker na hindi naging hadlang sa pagbuo nila ng “The Rapists of Pepsi Paloma” ang kakapusan sa budget at iba pang pagsubok na hinarap nila while shooting the movie.

“Maaaring kulang sa pera at koneksyon—pero hindi kami kapos sa tapang at paninindigan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“We have finished the film tonight, It will be ready for review.

“Malapit nang mapanood ng Pilipino ang Hubad na Katotohanan. #TROPP2025. The Rapists of #PepsiPaloma,” ang buong post ng direktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending