Ai Ai delas Alas tinira ni Lolit Solis sa panggagaya kay Joy Belmonte: Sana walang bastusan, pathetic ang dating! | Bandera

Ai Ai delas Alas tinira ni Lolit Solis sa panggagaya kay Joy Belmonte: Sana walang bastusan, pathetic ang dating!

Reggee Bonoan |May 04,2022
facebook
share this

Ai Ai delas Alas tinira ni Lolit Solis sa panggagaya kay Joy Belmonte: Sana walang bastusan, pathetic ang dating!

Reggee Bonoan - May 04, 2022 - 11:48 AM

Joy Belmonte at Ai Ai delas Alas

HINIHINTAY ng mga supporters ni Ai Ai delas Alas ang magiging sagot niya hinggil sa kaliwa’t kanang batikos na kanyang inabot nang i-spoof niya si Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Isa na ang talent manager na si Manay Lolit Solis sa hindi nagkagusto sa ginawa ng komedyana.

Base sa Instagram post ni Manay Lolit, “Naloka ako sa gimmick ni Ai Ai de las Alas, Salve. Trabaho lang iyon mag endorse ng kandidato, ok lang kung sino kumuha at nagbayad sa iyo, pero choice mo pa rin kung ano ang mga dapat mong gawin o sabihin.

“Ok, magkalaban, siyempre kanya kanyang labas ng gimmick at salita, pero dapat naman siguro maging polite ka pa rin sa mga gagawin mo, maliban na lang kung gusto mo talaga isara lahat ng pinto, at never na kayong magiging magkaibigan uli after the election,” simulang reaksyon ng talent manager.

“Komedyante si AiAi de las Alas, kung gusto niya gawin katatawanan ang sarili niya, why not, pero sana iwasan niya na gumamit ng ibang tao para lang maging katawa tawa.

“Pathetic ang dating, forcing thru, hard sell, gutter comedy, iyan ang masasabi ko sa ginagawa niyang kagagahan tungkol kay Mayor Joy Belmonte.

“Kung suportado niya ang kalaban ni Mayor Joy, OK lang, no big deal. Pero sana walang bastusan, sana igalang niya pa rin ang office na pinamumunuan ni Mayor Joy Belmonte.

“Matuto ka sana Ai Ai kung saan dapat huwag lalagpas, baka ang ending hindi mo makayang dalhin. Gamitin ang utak para hindi magkamali, hindi magsisi. Piece of advice Ai Ai, dahan dahan lang, baka nadapa,” pagpapatuloy pa ni Manay Lolit.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)


Sinilip namin ang Instagram account ni Ai Ai at mukhang hindi naman siya bothered sa kaliwa’t kanang bashing sa kanya dahil tila ang pagti-TikTok nila ng anak niyang si Sancho Vito ang sagot sa mga bira sa kanya.

Nag-post ang komedyana na TikTok dance nilang mag-ina na ang caption ay, “Matapos ang mga 100 na attempts naayos na din namin Greco. haha kaloka humihinto sa gitna ‘yung music d ko ma figure out bakit hanggang sa naayos na din.. tnx anak sa tyaga haha .. @sanchovito #bondingwithson #iloilo.”

Lolit Solis sa pagsuporta ni Ai Ai kay Bongbong: Dapat ipinagmalaki mo kung sino ang gusto mo

Ai Ai, Gerald tuloy na ang pagtira sa US; balak ding magbuntis sa pamamagitan ng surrogacy

Pagkawasak ng friendship nina Kris at Ai Ai dahil nga ba kay James Yap?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending