Gardo Verzosa sa retiradong pulis na nanakot sa siklista: 'Wag mong kasahan ng baril, di mo yan dapat binabandera at pinagyayabang' | Bandera

Gardo Verzosa sa retiradong pulis na nanakot sa siklista: ‘Wag mong kasahan ng baril, di mo yan dapat binabandera at pinagyayabang’

Ervin Santiago - August 29, 2023 - 11:06 AM

Gardo Verzosa sa retiradong pulis na nanakot sa siklista: 'Wag mong kasahan ng baril, di mo yan dapat binabandera at pinagyayabang'

Gardo Versoza at Wilfredo Gonzales

PINAGSABIHAN din ng aktor na si Gardo Versoza ang nag-viral na retiradong pulis sa social media dahil sa pananakit at pananakot nito sa isang bicycle rider sa Quezon City noong Linggo.

Isa rin kasing siklista si Gardo kaya nakaka-relate siya sa nangyari sa lalaking binatukan at kinasahan ng baril ni Wilfredo Gonzales, dating miyembro ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (QCPD).

Naging national issue ang naturang insidente na talagang ikinagalit ng taumbayan. Hiling nila na sana’y makasuhan at maparusahan si Gonzales sa ginawa nitong pananakot sa lalaking siklista.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi nga ni Gardo ang litrato ng retired cop na nag-viral matapos komprontahin at kasahan ng baril ang nakaengkuwentrong siklista sa Quezon City last Sunday, August 27.

Paalala ni Gardo sa viral retired cop, “Hhmmnnnnnnn tsk tsk tsk, kausapin mo sana wag mong kasahan ng baril. di mo yan dapat binabandera at pinagyayabang.”

Sa isa pa niyang Instagram post, makikita naman ang kumakalat na meme tungkol sa nasabing isyu kung saan makikita ang dating pulis na sa halip na baril, gitara na ang hawak nito.

Narito ang ilang reaksyon ng mga netizens sa IG post ni Gardo.

“Nu ba naman ang mga tao. Di lahat madadaan sa tapang. Isip isip din pag may time..Haaays.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gardo Versoza (@gardo_versoza)


“Nakakahiya ang matandang ito, walang pinagkatandaan. Such a disgrace to his family. Look at his gigil face, abusadong matanda!”

“Bigla yan may sakit tpos iiyak ng asawa or anak pra wag ma demanda ng tatay hehe classic teleserye ng sa una lng matapang.”

Baka Bet Mo: Gardo Versoza inakalang lilisanin na ang mundo nang ma-heart attack: ‘Parang ibibigay mo na lang lahat kay Lord’

“Gigil na gigil si Sir.. Parang napakadali lng bumaril sa knila ng tao.”

“Cge ikasa mo tas itutuk mo sa ulo mong kalbo ka masyado kang HB.”

“Mauubos din ang tapang niyan pag nakasuhan na, mag kalalagyan siya.”

“At nasa bike lane itong kumag na to, sya pa ung may ganang magalit.”

“Nyetang pgmumukha yan! Malamang kasama na ni satanas yang mtandang yan pg namatay yan.”

Samantala, balitang ni-revoke na ng pamunuan ng Philippine National Police ang lisensya ng baril ng retired cop, base na rin sa panayam kay PNP Public Information Office Chief, Brig. Gen. Red Maranan.

Ang nasabing desisyon ng PNP Firearms and Explosive Office (FEO) matapos ang inilabas na kautusan ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda.

Matatandaan nitong nagdaang Linggo, August 27, sumuko sa mga otoridad si Gonzales sa tanggapan ni Quezon City Police District chief, Brig. Gen. Nicolas Torre III.

Aminado naman si Gonzales na nagkamali siya at sinabing nagkaayos at nagkapatawaran na sila ng siklista. Kasabay nito ang kanyang panawagan sa mga nagpapakalat ng video sa social media dahil naaawa na raw siya sa mga anak na lubos na naaapektuhan ng pamba-bash sa kanya.

Janine inialay ang NY Asian filmfest award sa lahat ng nanonood ng Pinoy movies kahit may pandemya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gardo Versoza na-hurt nang mabalitang namatay na siya; asawang si Ivy Vicencio naospital din dahil sa stress

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending