Gardo Versoza inakalang lilisanin na ang mundo nang ma-heart attack: ‘Parang ibibigay mo na lang lahat kay Lord’
FEELING ng veteran actor na si Gardo Versoza ay mawawala na siya sa mundo nang makaranas ng heart attack nitong nagdaang Marso.
Sa katunayan, handa na raw talaga siyang mamatay nu’ng mga panahong yun dahil itinaas na niya ang lahat-lahat sa Panginoong Diyos.
Inalala ni Gardo ang mga na-experience niya nang atakihin sa puso ilang buwan na ngayon ang nakararaan sa episode kahapon ng “Fast Talk With Boy Abunda” sa GMA 7.
View this post on Instagram
Ayon sa aktor, hinding-hindi niya malilimutan ang araw nang sabihin sa kanya ng mga doktor na barado ang kanyang dalawang ugat na konektado sa puso.
“Umabot ako du’n sa point na parang about to leave this world,” pahayag ng aktor kay Tito Boy nang sumailalim siya sa angioplasty para alisin ang bara sa kanyang mga ugat.
Baka Bet Mo: Gardo Versoza idinaan sa biro ang balitang ‘pumanaw’ na siya
“Ganu’n pala ‘yung feeling na parang akala ko before nakakanerbiyos. Pero come to think of it, parang bibigay mo na lahat kay Lord, eh.
“‘Yun nga ‘yung ipinagdasal ko na, ‘If ever man na this is my time, Kayo na pong bahala du’n sa mag-ina ko,” pagbabahagi pa ni Gardo sa publiko na ang tinutukoy ay ang kanyang asawang si Ivy Vicencio at ang nag-iisa nilang anak.
View this post on Instagram
Sey pa ni Gardo, wala siyang kamalay-malay na may sakit siya sa puso dahil super active naman ang kanyang lifestyle. Bukod dito, binabantayan din niya ang mga kinakain araw-araw.
Pero inamin niya na hindi siya regular na nagpupunta sa ospital o health clinic para magpa-checkup.
“Feeling ko parang in a way baka rin ginamit akong instrumento ng Panginoon na kumbaga mai-share sa iba na ‘wag n’yong balewalain kasi hindi biro ‘yun,” pahayag pa ni Gardo.
Gardo Versoza nakaramdam ng lungkot nang maisip na ‘maiiwan’ ang mag-iina niya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.