Gardo Versoza idinaan sa biro ang balitang ‘pumanaw’ na siya
IDINAAN na lang ng aktor na si Gardo Versoza sa biro ang mga kumakalat na balitang sumakabilang buhay na siya.
Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang larawan kung saan makikitang nasa loob siya ng isang kabaong at naka-wacky. Mukha namang throwback photo ang kanyang in-upload.
“Pumanaw na raw sa balita,” saad ni Gardo sa caption.
Umani naman ng samu’t saring komento mula sa mga netizens ang naturang post ng aktor.
“Hahaba p talaga buhay mo sir Gardo Versoza nakakaluka yung balita pinanood ko pa ang usapan nyo ni sir Julius Babao lol,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Cupcake nman…ang pangit ng picture mo.di ko ihaheart yan.anak ng mga tsismosa!!!fake news n nman. hahaba pa ang buhay mo cupcake…”
“Hala! Don’t do that Mr. Gardo! Knock on wood!” sey naman ng isa.
Well hindi naman ito ang first time na may mga artistang bigla na lang “namatay” sa social media.
Bukod kay Gardo, ilan na sa mga artistang napabalitang pumanaw ay si Kris Aquino, Vic Sotto, at lately nga ay si Madam Inutz.
Naloka na nga lang daw ang asawa niyang si Ivy Vicencio nang makatanggap ng tawag na pumanaw na ang asawa na agad niyang pinabulaanan.
Baka Bet Mo: Gardo Versoza inatake sa puso dahil sa matinding physical activity, sumailalim sa angioplasty
Bago ang kumalat na fake news ay nag-trending pa ang kanyang panayam kay Julius Babao kung saan ibinahagi niya ang naging kwento sa nangyaring atake sa puso last month.
Matatandaang naospital si Gardo nitong Marso matapos atakihin sa puso dahil sa labis na pag-e-ehersisyo.
Kinakailangan niyang sumailalim sa angioplasty procedure upang maagapan ang mga baradong ugat sa kanyang puso.
Sa ngayon ay naghahanda na si Gardo para sa kanyang ikalawang angioplasty.
Sa katunayan ay ibinibenta niya ang kanyang gym equipment upang makatulong sa kanyang operasyon.
Sa kabila naman nito ay maraming tagasuporta si Gardo na patuloy ang pagdarasal para sa agarang pagbuti ng lagay nito.
Related Chika:
Gardo Versoza nakaramdam ng lungkot nang maisip na ‘maiiwan’ ang mag-iina niya
Gardo Versoza na-discharge na sa ospital, dumiretso ng simbahan para magdasal
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.