Gardo Versoza inatake sa puso dahil sa matinding physical activity, sumailalim sa angioplasty | Bandera

Gardo Versoza inatake sa puso dahil sa matinding physical activity, sumailalim sa angioplasty

Ervin Santiago |March 30,2023
facebook
share this

Gardo Versoza inatake sa puso dahil sa matinding physical activity, sumailalim sa angioplasty

Ervin Santiago - March 30, 2023 - 10:15 PM

Gardo Versoza inatake sa puso dahil sa matinding physical activity, sumailalim sa angioplasty

Ivy Vicencio at Gardo Versoza

INATAKE sa puso ang Kapuso actor na si Gardo Versoza nitong nagdaang Martes, March 28, kaya naman agad siyang sumailalim sa “angioplasty due to clogged arteries.”

Naka-confine pa rin ngayon sa ospital ang aktor matapos ma-ICU (intensive care unit) at ma-angioplasty, ayon mismo sa kanyang asawang si Ivy Vicencio.

May dalawang ugat daw sa puso ni Gardo ang barado kaya’t kinailangan nitong sumailalim sa angioplasty.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivy Vicencio (@ivy_vicencio)


Sa kanyang Instagram account kahapon, March 29, nag-post si Ivy ng mga litrato nila ni Gardo habang nasa loob ng hospital room. Humiling siya ng dasal mula sa mga fans at supporters ng asawa para sa paggaling ng aktor.

Baka Bet Mo: Deanna Wong, Ivy Lacsina sweet na sweet, netizens kinilig: ‘Status reveal naman diyarn!’

“Pakisama po sa dasal ninyo na maging successful sana ang operation ni Gardo ‘Cupcake’ Versoza ngayon. May nakita pong bara sa ugat niya sa puso,” ang caption ni Ivy sa kanyang IG post.

Ayon pa kay Ivy, dalawang angioplasty procedure ang gagawin sa kanyang asawa. Pagkatapos ng surgery na ginawa sa kanya, babalik siya sa ospital afte two to three months para sa ikalawang procedure.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivy Vicencio (@ivy_vicencio)


Sabi pa ng wifey ni Gardo, isa sa mga dahilan ng heart attack nito ay ang sobra-sobrang exercise.

Sa kanya namang IG account, nag-post si Gardo ngayong araw ng litrato nila ng kanyang misis na kuha pa rin sa loob ng kanyang kwarto sa kinaroroonang ospital. Hindi niya nabanggit kung natapos na ang una niyang angioplasty procedure.

Ngunit base sa kanyang mensahe para sa kanyang mga kaibigan at tagasuporta, mukhang natuloy na nga ito, “Thanks for everything, shugs. I love you. Thank you LORD, thank you doctors,” kasunod ang hashtag na “heart attack.”

Bumuhos naman ang mga mensahe mula sa kanyang mga kaibigan sa showbiz.

“Anyare ? God is good ! You’ll be ok!” tanong ni Arnold Clavio.

Mensahe ni Jak Roberto, “Cupcake get well soon.”

“Pagaling ka agad Cupcake!” sabi ni Jo Berry.

“Cupcakeeeee speedy recovery we love you!” comment ni Rayver Cruz.

Dasal naman ni Jackielou Blanco, “Get well soon cupcake! Praying for your healing.”

“Get well soon!” ang mensahe naman ni Pops Fernandez.

Gardo iwas muna sa politika: Mahirap, baka mailigpit ako bukas…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kylie, Jaclyn, Jak, Gardo kanya-kanyang kuwento tungkol sa pambobola, pero si Tsong Joey may swabeng hirit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending