Kylie, Jaclyn, Jak, Gardo kanya-kanyang kuwento tungkol sa pambobola, pero si Tsong Joey may swabeng hirit
ANG saya-saya ng naganap na virtual mediacon nitong Lunes, May 24, para sa upcoming teleserye ng GMA 7, ang “Bolera” na pinagbibidahan nina Kylie Padilla, Rayver Cruz at Jak Roberto.
In fairness, masasabing star-studded ang comeback series ni Kylie sa Kapuso Network dahil sa supporting cast na ibinigay sa kanya ng management.
Bukod sa mga leading man niyang sina Rayver at Jak, kasama rin sa “Bolera” sina Gardo Versoza, Joey Marquez, Al Tantay at Jaclyn Jose na magsisimula nang umere sa May 30.
Dito, gagampanan ni Kylie ang karakter ng isang billiards prodigy na daraan sa iba’t ibang klase ng challenges bago niya maabot ang pinapangarap na tagumpay.
View this post on Instagram
Sa naganap ngang online presscon ng “Bolera” natanong ang cast members kung naranasan na ba nilang mambola o maging bolero’t bolera sa tunay na buhay.
Sagot ni Kylie, “My gosh, oo! Sa mga anak ko! Ha-hahaha! For example, ayaw nilang kumain.
Bobolahin ko nang konti para kumain sila. Gagawin naman nila. Para sa kanila naman yun, e, but I don’t think it’s negative.”
Tawa naman nang tawa si Jaclyn nang amining naging bolera rin siya noong kabataan niya, at idinamay pa niya si Gardo sa kanyang sagot.
“Nu’ng kabataan ko, madalas (mambola). Nu’ng single pa tayo. Alam ni Gardo ‘yan, yung mga ganyang kuwento,” chika ni Jaclyn.
Sey naman ni Jak, “Yung panliligaw. Hindi naman po yun mawawala.”
Para naman ni Gardo, “Bilang idolo ko si Emperor (Tsong Joey) noong kabataan ko rin gaya ng nasabi ni Jane (palayaw ni Jaclyn).
“Alam ninyo minsan, hindi mo naman puwedeng laktawan sa buhay ng isang tao. Iyan yung may stages. Iyan ang pinakamakulay sa lahat, yung panahon na nagkakabolahan, palitan.
“Pero siyempre, once na napagdaanan mo na iyan, magbabalik-tanaw ka, then iisipin mo na, ‘Ganoon ako dati, pero hindi na ngayon,'” ang pagpapakatotoo Gardo.
Alam naman ng lahat na talagang matinik si Joey pagdating sa mga babae, sa katunayan marami siyang naging anak sa ilang nakarelasyon niya noong kabataan niya.
Ngunit mas gusto ni Joey na tawagin siyang “diplomatic” kesa “bolero”, “Yung sa akin, ni-reconstruct ko yung word na bolero. Ginawa kong medyo positive, diplomatic ang tawag du’n.
“Minsan kailangan mong sabihin yung totoo para sumaya yung tao. Para maalis yung lungkot sa kanya,” ang malumanay na pagpapaliwanag ng beterang aktor na naunang nakilala sa showbiz bilang komedyante.
Wala sa nasabing presscon si Rayver dahil nasa Canada pa raw ito para sa ilang series of concert.
Makakasama rin sa “Bolera” sina David Remo, Via Veloso, Sue Prado, Ge Villamil, at Luri Vincent Nalus, sa direksyon no Dominic Zapata. Magaganap ang world premiere nito sa May 30, 8: 50 p.m. sa GMA Telebabad.
https://bandera.inquirer.net/312385/kylie-padilla-inatake-ng-matinding-sepanx-matapos-magpaalam-sa-lock-in-taping-ng-bolera-i-was-heartbroken
https://bandera.inquirer.net/304351/knows-nyo-ba-bakit-tinawag-na-cupcake-si-gardo-versoza-ng-mga-taga-showbiz
https://bandera.inquirer.net/310855/rayver-cruz-bibili-na-ng-luxury-car-aamin-na-nga-ba-sa-relasyon-nila-ni-julie-anne-san-jose
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.