Gardo Versoza ipinamana kay Kiko Estrada ang pagiging Machete

Gardo Versoza ipinamana na kay Kiko Estrada ang pagiging Machete

Ervin Santiago - April 07, 2025 - 09:00 AM

Gardo Versoza ipinamana na kay Kiko Estrada ang pagiging Machete

kiko Estrada at Gardo Versoza

IPINASA na ni Gardo Versoza ang pagiging “Machete” kay Kiko Estrada at humiling na sana’y ang aktor daw ang maging bida sakaling i-remake uli ito.

Puring-puri ni Gardo ang pagiging professional at sensitibong aktor ni Kiko at hindi na raw siya magugulat if one of these days ay maging malaking bituin din ang binata sa mundo ng showbiz.

Magkasama sina Kiko at Gardo sa hit TV5 action-drama series na “Lumuhod Ka Sa Lupa” na aabutin din ng isang taon dahil sa mataas na rating nito at sandamkmak na advertisements.

Humarap ang dalawang aktor sa naganap na finale mediacon ng serye nitong nagdaang April 2, kasama ang iba pang cast members tulad nina Sid Lucero, Ryza Cenon, Rhen Escaño at ang child actress na si Althea Ruedas.

Apat na linggo pang mapapanood ang “Lumuhod Ka Sa Lupa” sa TV5 at asahan daw ang mas malalaking pasabog pa ng programa sa nalalapit na pagtatapos nito.

Sabi ni Kiko, hindi talaga niya in-expect na aabutin sila ng one year kaya naman super happy siya at feeling grateful and thankful sa mga executives ng TV5 dahil sa kanya ipinagkatiwala ang naturang project.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kiko Estrada (@kikoestradaofficial)


“I did not expect anything, wala akong in-expect, binigay ko lang ang best ko at yeah, blessed, I feel blessed at puno ng pasasalamat na nakasama ko ‘yung cast na nakasama ko ngayon, at sa pagtanggap ninyo. Honestly, thank you,” mensahe ni Kiko.

Ayon kina Sid at Gardo, hindi nagkamali ang mga bossing ng TV5 na si Kiko ang kuning bida sa “LKSL.”

Sabi ni Sid, complete package na si Kiko, “Like, physically, the language, he speaks both languages very well, he’s got the face, he’s got the height, the voice, everything’s there. He’s got the action.

“I think, he’s a fireball, man. Like if I’m going to describe kung ano talaga ‘yung. . .like in a word, the craft to him is, it’s just he’s passionate 100%, like it’s almost too much,” aniya pa.

Para naman kay Gardo, “’Yung tipo kasi ni Kiko, bibidahin ‘yan. ‘Yung support sa ‘kin n’yo na lang ibigay. Ha-hahahaha!”

Sey pa ng seasoned actor, may isang pagkakapareho rin sila ni Kiko, yan ay ang pagiging mama’s boy.

“Siyempe, ‘di ba, basta mama’s boy, you won’t go wrong. And then, sabi ko nga sa kanya, nakikita ko ‘yung kabataan ko sa kanya, pero siyempre, mas malakas ang sex appeal niya sa akin. Napaglipasan na ako, eh,” chika ni Gardo.

Hirit pa ng dating sexy actor, nais niyang ipinamana kay Kiko ang pagiging “Machete” na isa sa mga pelikulang nagpasikat pa nang todo sa kanya noong dekada 90.

Si Gardo ang bumida sa pelikulang “Machete II” na unang ginampanan ni Cesar Montano. Nagkaroon din ito ng TV version na pinagbidahan ni Aljur Abrenica.

Ang reaksyon ni Kiko rito, “Para sa akin, isa lang ‘yung ‘Machete,’ si Gardo Versoza lang ‘yun.”

Sey naman ni Gardo, “Tapos na kasi ‘yung panahon ko, Seiko Films pa ‘yon. Eh ngayon, siyempre, kailangang may magpatuloy. TV 5 ang magpapatuloy ng ‘Machete’ mo, ‘di ba?”

Samantala, sa huling apat na linggo ng “Carlo Caparas’ “Lumuhod Ka Sa Lupa” asahan ang mas matitinding laban at emosyonal na paghaharap na siguradong ikagugulat ng mga manonood.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tutukan ang pagpapatuloy ng serye na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 7:15 p.m. sa TV5’s #TodoMaxPrimetimeSingko, pagkatapos ng “Frontline Pilipinas”. May catch-up  replay din ito ng 8 p.m. sa Sari-Sari Channel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending