Deanna Wong, Ivy Lacsina sweet na sweet, netizens kinilig: 'Status reveal naman diyarn!' | Bandera

Deanna Wong, Ivy Lacsina sweet na sweet, netizens kinilig: ‘Status reveal naman diyarn!’

Therese Arceo |August 31,2022
facebook
share this

Deanna Wong, Ivy Lacsina sweet na sweet, netizens kinilig: ‘Status reveal naman diyarn!’

Therese Arceo - August 31, 2022 - 07:12 PM

Deanna Wong, Ivy Lacsina sweet na sweet, netizens kinilig: 'Status reveal naman diyarn!'
LABIS ang kilig na nararamdaman ng mga tagahanga ng volleyball superstars na sina Deanna Wong at Ivy Lacsina.

Nag-post kasi ang NU Lady Bulldogs player na si Ivy sa kanyang Instagram account ng larawan nilang dalawa kung saan makikitang sweet na sweet sila.

“Go around the world with you my greatest adventure [sparkles emoji]” caption ni Ivy sa larawan nila ni Deanna.

Nagreply naman ang huli ng”Ur a planet in my galaxy [smiling, sparkles, dizzy, globe emojis].”

Matagal na ring usap-usapan ng mga volleyball fans at ng madlang pipol kung ano nga ba talaga ang namamagitan kina Deanna at Ivy.

Marami sa mga fans ang naniniwalang hindi lang friendship ang meron sa dalawa kaya naman ang tanong ay ito na nga ba ang kanilang paraan para aminin ang kanilang “relationship”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivy Lacsina (@16ivylacsina)

Ngunit kahit wala pang kumpirmasyon ay hindi pa rin mapigilan ng mga netizens ang kiligin at patuloy na i-ship sina Deanna at Ivy.

“Welcome sa City of Love lovebirds,” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Status reveal naman dyarn CHAR!”

“Si Deanna din sana mag-post ng picture po ninyo,” sey naman ng isa.

“FORDA KILIG NAMAN ANG MGA FERSOOOON,” dagdag pa ng isa.

Matatandaang noong nakaraang buwan ay may sweet birthday message si Ivy para sa ika-24th birthday ni Deanna.

“Happiest birthday to the best thing that ever happened to me [sparkles emoji] I love you my Adi [heart emoji],” saad ni Ivy kalakip ang sweet photos nila together.

Ito naman ay sinagot ni Deanna at sinabing “Thank you for being the best part in this lifetime Adi, grateful for your existence. Wǒ ài nǐ!”

Related Chika:
Deanna Wong hindi naging madali ang pag-amin noon sa mga magulang: Hindi kami nagkasundo

Alyssa Valdez nakatagpo ng mga tunay na kaibigan sa ‘PBB’ house; may ‘hamon’ kay Big Brother bago sumabak sa SEA Games

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Andi inaatake rin ng takot bilang nanay, pero hinahayaan lang matuto ang mga anak

Jolina nasusungitan ang pamilya dahil sa anxiety: Pakiramdam ko balewala lahat ng efforts ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending