Jolina nasusungitan ang pamilya dahil sa anxiety: Pakiramdam ko balewala lahat ng efforts ko | Bandera

Jolina nasusungitan ang pamilya dahil sa anxiety: Pakiramdam ko balewala lahat ng efforts ko

Therese Arceo |February 15,2022
facebook
share this

Jolina nasusungitan ang pamilya dahil sa anxiety: Pakiramdam ko balewala lahat ng efforts ko

Therese Arceo - February 15, 2022 - 10:32 PM

Jolina nasusungitan ang pamilya dahil sa anxiety: Pakiramdam ko balewala lahat ng efforts ko

AMINADO ang Kapamilya host-actress na si Jolina Magdangal na malaki ang epekto sa kanya ng pagkakaroon ng anxiety.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi niya ang kanyang kasalukuyang lagay.

“For the past weeks, on and off ang worries and anxiety na nararamdaman ko. Hindi ko ito sinasabi kay Mark kasi naisip ko baka lilipas din,” umpisa ni Jolina.

Aniya, minsan raw ay ipinagdarasal niya na sana ay hindi na siya makaramdam ng kahit na anong negativity at huwag intindihin ang ibang tao na walang pakialam sa kung anong nararamdaman niya.

At ito nga ang nagiging dahilan kung bakit may mga pagkakataon na nasusungitan ni Jolina ang kanyang asawang si Mark at ang mga anak na sina Pele at Vika.

“Minsan pakiramdam ko, balewala lahat ng efforts ko para magawa lahat ng dapat gawin ng isang nanay sa isang buong araw,” pagpapatuloy ng TV host-singer.

May mga pagkakataon pa ngang humaharap siya sa salamin at pinagsasabihan ang sarili.

“Minsan humaharap ako sa salamin at sinasabihan ko sarili ko ng ‘huy! Ano ka ba! Umayos ka! Marami ka pang gagawin today at kailangan mo pa asikasuhin pamilya mo’,” dagdag pa ni Jolina.

Pero sa kabila ng kanyang nararamdaman ay labis pa rin ang kanyang pasasalamat sa Valentine’s surprise ng kanyang pamilya sa kanya.

“Ibang klase talaga si Papa Jesus magbigay ng kasagutan pag malalim na ang nararamdaman natin. Pinaalala nya sakin na mas madami parin akong dapat ipagpasalamat sa buhay ko na makakatalo worries ko.

“I LOVE YOU SO MUCH MAHAL, PELE and VIKA. Pasensya na kayo kay Mama minsan. Basta lagi nyo tatandaan na gagawin ko lahat para sa inyo,” saad ni Jolina.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 🍀🦋 Jolina Magdangal Escueta 🦋🍀 (@mariajolina_ig)

Paalala niya sa mga katulad niyang may pinagdaraanan rin, “Nawa’y hindi lang ang araw na ito ang puno ng pagmamahal… dapat araw araw.”

Nag-comment naman sa kanyang post ang mga kasamahan niyang mga momshie sina Karla Estrada at Melai Cantiveros sa morning show na “Magandang Buhay”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Happy Valentine’s Escueta fam,” sey ni Melai na nireplyan naman ni Jolina ng paanyaya na sana’y mag-celebrate silang magkasama ng family day para makapagbonding ang kanilang mga anak.

Saad naman ni Karla, “Kaya mo lahat, Momshie Jols. Lahat lahat ay kakayanin mo. Tandaan mo matibay ka dahil ikaw ay isang ina.”

Related Chika:
Jolina bad trip nga ba sa gumawa ng viral FB page na Jolegend Slaydangal?
Jolina Magdangal naloka sa request ng anak; nagtahi ng damit para sa ipis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending