Jolina Magdangal naloka sa request ng anak; nagtahi ng damit para sa ipis | Bandera

Jolina Magdangal naloka sa request ng anak; nagtahi ng damit para sa ipis

Therese Arceo |February 12,2022
facebook
share this

Jolina Magdangal naloka sa request ng anak; nagtahi ng damit para sa ipis

Therese Arceo - February 12, 2022 - 01:17 PM

Jolina Magdangal naloka sa request ng anak; nagtahi ng damit para sa ipis

NAWINDANG ang Kapamilya TV host-actress na si Jolina Magdangal nang marinig ang nire-request sa kanya ng anak na si Vika Aniya.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi niya ang cute na cute na mga larawan ng anak habang kasa-kasama nito ang kanyang alagang si “Ipi”.

“Anak!!!! Pag malaki ka na, ipapa frame ko ang picture na ito para alam mo kung gaano kita kamahal,” saad ni Jolina sa caption.

Pagkukwento niya, may request daw ang kanyang anak na hindi niya matanggihan at ito ay ang magtahi ng damit para sa kanyang laruanz

“Di ko alam pano ko natapos magtahi ng damit para sa ipis pero dahil buong araw nya ako kinukulit na gawan ko daw ng damit si ‘Ipi’, ayan ang dress,” dagdag pa ni Jolina.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 🍀🦋 Jolina Magdangal Escueta 🦋🍀 (@mariajolina_ig)

 

Aniya, kahit may mograine siya ay pinagbigyan niya ang anak. Sumakit pa nga ang kanyang kamay sa pagtatahi ng damit dahil maliit lang ito ngunit para sa kasiyahan talaga ng anak, lahat ay gagawin ng mga ina.

“Pero napaka-priceless ng ngiti at kilig mo anak,” sey pa ni Jolens.

Marami rin naman sa madlang pipol ang naantig sa sobrang cute ni Vika at kitang kita ang pagiging inosente at genuine nito sa kanyang mga mata.

“Grabe ang cute ni vika grabe pagmamahal niya sa ipis,” sey ng isang netizen.

Hirit ng isa pa, “Ang cuteeeee. Kitang kita sa eyes nya sng happiness!”

Kahit nga ang mga kaibigan ni Jolina sa showbiz ay naaliw rin sa anak ng singer-actress.

“Gown ba yan mars? Hahahaha! Ganda! Pero bakit naman ipis, Vika? Hahaha,” comment ni Kyla Alvarez.

Sey naman ni Momshie Melai Cantiveros, ” Vika Anayaaaaaa lablab”

Sa naunang post pa ni Jolina ay makikitang katabing matulog ng anak ang kanyang alagang ipis.

Anak, bakit naman parang may koneksyon kayo ng bago mong paboritong alaga. At talagang may sariling kama at unan pa ha,” pagbabahagi ng singer-actress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nilinaw naman ni Jolina na laruan lamang ang alagang ipis ng anak.

 

Related Chika:
Heart umaming certified Jolina fan; may branded bag na isa sa pinakamahal sa buong mundo
Jolina bad trip nga ba sa gumawa ng viral FB page na Jolegend Slaydangal?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending