Jolina, Marvin nasasabik sa comeback movie, mag-EX nga ba?

Jolina, Marvin nasasabik sa comeback movie, naging mag-EX nga ba?

Pauline del Rosario - November 04, 2024 - 01:22 PM

Jolina, Marvin nasasabik sa comeback movie, naging mag-EX nga ba?

PHOTO: Instagram/@mariajolina_ig

VERY excited na sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin sa comeback movie nila together na pinamagatang “Ex Ex Lovers.”

Sa interview ng entertainment reporter na si MJ Felipe, inihayag ng dalawa kung gaano sila kasaya dahil finally ay magsasama na sila sa isang proyekto makalipas ang mahigit dalawang dekada.

“Finally talaga kasi parang years ito inabot para matuloy na talaga,” kwento ni Jolina.

Pagbubunyag ng batikang aktres, around 2018 or 2019 silang nagsimulang magplano para sa comeback love team nila ni Marvin.

Nang usisain naman sila ng reporter kung ano ang aasahan ng fans sa upcoming project nila.

Baka Bet Mo: Jolina, Marvin nag-foodtrip sa Singapore, netizens kinilig: ‘The best love team in the 90s’

“Tulad ng totoo naming buhay…mag-EX kami,” pagbubunyag ni Marvin.

Biglang hirit naman ni Jolina, “Hindi! Hindi naging kami. Akala niya lang kaya ganun.”

Dahil diyan, nag-follow up question si MJ kung niligawan ba siya noon ng batikang aktor.

“Hindi ko rin alam!” sambit ng aktres na tumatawa.

Patuloy niya, “Basta ako, kapag napanood nila ito may kurot, kilig na mararamdaman sa puso.”

Dagdag ni Marvin, “I guess ‘yung mga vibes ng mga pelikulang ginawa namin dati na napaghahalo namin ‘yung drama and comedy, ‘yung masaya sila pero naiiyak, parang ganun ‘yung mararamdaman nila while watching.”

“Ang gusto namin is kung ano ‘yung naramdaman nila dati, parang manumbalik. Gusto namin magpasaya ulit ng tao,” ani pa niya.

Magugunita na ang proyekto ng dalawa ay unang ibinandera ng production companies na Cornerstone Studios at Project 8 Projects sa kani-kanilang Instagram pages.

“Ito na ang COMEBACK na hinihintay niyo!” saad sa caption, kalakip ang behind-the-scene video ng on-screen partners.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by PROJECT 8 (@project8projects)

Ang “Ex Ex Lovers” ay mula sa direksyon ni JP Habac na kilala sa mga pelikulang “I’m Drunk, I Love You” (2017) at “Love You Long Time” (2023), pati na rin ang web series na “Gaya sa Pelikula.”

Bukod kina Jolina at Marvin, tampok din sa upcoming film sina Juan Karlos Labajo at Loisa Andalio.

As of this writing, wala pang detalye kung kailan ito ipapalabas sa mga sinehan.

Matatandaan noong 1990s, ang MarJo ang isa sa mga pinakasikat na celebrity love teams sa entertainment industry.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang huling pelikula nilang pinagtambalan ay ang 1999 film na “Hey Babe!”

Ilan pa sa mga kilalang proyekto ng dalawa ay ang “Flames: The Movie” (1997) at “Labs Kita…Okey Ka Lang?” (1998).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending