Jolina, Marvin nag-foodtrip sa Singapore, netizens kinilig: ‘The best love team in the 90s’
ISA sa pinakasikat na love team sa mundo ng showbiz noong dekada nobenta ay ang tambalang Jolina Magdangal at Marvin Agustin.
At matapos ang ilang dekada ay muli silang nagsama para sa isang content video.
Nagpunta pa nga ang iconic love team sa Singapore para gumawa ng food vlog together.
Ibinandera pa ni Jolina sa Instagram ang ilang nakakakilig na pictures nila ni Marvin na tila may matching color pa ng damit.
Caption pa niya, “Mga foodies! Mahilig ba kayo sa seafood? Or sa Western comfort food with a Singaporean twist?
“Sama-sama tayo ni labtim at enjoyin natin ang Singaporean dishes na habol ng ating puso dito sa New Ubin in Singapore! (Smiling Face with Hearts emoji)”
View this post on Instagram
May video post din si Marvin sa kanyang Instagram at ipinakita ang ilang sweet moments nilang dalawa, pati na rin ang mga putahe na kinain sa Singapore.
May eksena pa nga sa video na naka-holding hands pa ang dalawa habang namamasyal.
Caption ni marvin sa post, “Nachuva-chuchu kami sa sarap ng food sa Singapore! (Smiling Face with Hearts emoji)”
View this post on Instagram
Tila napa-throwback naman ang ilang netizens at humiling pa ang iba na gumawa ng pelikula ang dalawa.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section ng mga post.
“Super idol at love ko itong loveteam na ito noon pa hanggang ngayon…we love you jolens and marvin… (red heart emoji)”
“Oiii ano yan (Smiling Face with Hearts emojis) beke nemen magkaroon na kayo ng movie together kaka chuvachuchu missout kayo. (red heart emojis) Huhuhu”
“OMG!!! Nakakakilig and 2 ultimate idol ko mula noon nagsama ulit (red heart emojis) kelan kaya kita makikita crush Marvin ayieee Chuvachuchu Jolen and Marvin forevs (Smiling Face with Hearts emoji)”
Ang pinakatumatak sa marami ay ang pagtatambal ng dalawa sa romance film na “Labs Kita… Okey Ka Lang?” na ipinalabas noong 1998.
Related chika:
Pinoy na Pinoy maging ang negosyo ng pamilya ni Miss Universe Singapore
2 Pinoy designers ang gumawa ng national costume ni Miss Singapore Bernadette Belle Ong
Marvin naging waiter, janitor, bartender at mascot: Hindi mo malilimutan yung first love mo…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.