‘Ne Zha 2’ mas makulay, may magandang aral para sa mga bata

PHOTO: Courtesy of Encore Films Philippines
MAKALIPAS ang limang taon, muling bumida sa big screen ang Chinese animated fantasy adventure film na “Ne Zha!”
Showing na sa mga lokal na sinehan ang Part 2 na pinamagatang “Ne Zha 2.”
Naimbitahan ang BANDERA sa Philippine premiere nito na ginanap sa SM North Edsa noong Linggo, March 9 at napatunayan namin na hindi ito nagpaawat sa paghahatid ng isang makulay, at emosyonal na adventure na siguradong tatatak sa mga manonood!
Nagsimula ang kwento kung saan sina Ne Zha at Ao Bing ay naging espiritu matapos mawasak ang kanilang katawan dahil sa celestial lightning.
Baka Bet Mo: LIST: 5 Hollywood films na pak na pak pang-movie marathon sa Marso
Salamat sa kanyang guro na si Master Taiyi, nabigyan sila ng panibagong anyo gamit ang Sacred Lotus, ngunit kasabay nito ay panibagong mga hamon na muling susubok sa kanilang tapang.
Bukod sa action-packed sequences at visually stunning animation, nakuha ng pelikula ang tamang timpla ng drama at humor, na may mga eksenang siguradong kikiliti sa tiyan mo, habang may iba namang tatagos sa puso.
Isa rin sa pinakatampok na tema ng pelikula ay ang pagtanggap sa sarili at pagpapahalaga sa pamilya—isang aral na siguradong makaka-relate ang mga bata at pati na rin ang matatanda.
Sa kabuuan, ang “Ne Zha 2” ay isang visual masterpiece na puno ng saya, aksyon, at puso—isang pelikulang hindi mo dapat palampasin!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.