‘Gulay Lang, Manong!’ magbabalik sa piling sinehan simula April 2

PHOTO: Courtesy of Ayala Malls Cinemas
SA pagpasok ng buwan ng Abril, muling babandera ang pelikulang “Gulay Lang, Manong!”
Mapapanood ito sa mga piling sinehan ng Ayala Malls Cinemas simula April 2.
Matapos nitong makuha ang “Audience Choice Award” sa Cinemalaya 2024, patuloy ang pag-ani ng papuri sa nasabing pelikula, isang obra ni BC Amparado sa kanyang directorial debut.
Tampok sa pelikula sina Cedrick Juan, Perry Dizon, at BJ Forbes sa mga makapigil-hiningang eksena na siguradong tatatak sa puso ng bawat manonood.
Baka Bet Mo: Dakota Johnson, Chris Evans, Pedro Pascal love triangle sa ‘Materialists’
Sa “Gulay Lang, Manong!”, makikilala natin si Manong Pilo (Perry Dizon), isang magsasakang dumaranas ng matinding pagsubok sa buhay.
Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, mapipilitan siyang makipagsanib-pwersa kay Ariel Lacson (Cedrick Juan), isang lokal na pulis, upang sagipin ang kanyang apo na si Ricky (BJ Forbes) mula sa kamay ng isang sindikatong nagbebenta ng marijuana.
Habang lumalalim ang kanilang misyon, masusubok ang kanilang paniniwala, prinsipyo, at integridad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.