Cedrick Juan, Kate Alejandrino ikinasal na
IKINASAL na ang award-winning actor na si Cedrick Juan sa kanyang kapwa artista na si Kate Alejandrino.
Isang intimate garden wedding ang naging kasal ng dalawa na dinaluhan ng kanilang malalapit na kaibigan at kaanak nitong Martes, February 25.
Baka Bet Mo: Cedrick Juan ng ‘GomBurZa’ engaged na kay Kate Alejandrino
View this post on Instagram
“Mabuhay ang bagong kasal,” pagbabahagi ni Gabby Padilla sa larawan nina Kate at Cedrick sa kanyang Instagram story.
Matatandaang noong February 18 lang nang ianunsyo ng dalawa ang kanilang engagement.
“Kaya pala, kapag nasa tamang taon ka na,” saad ni Cedrick sa isa ring Instagram story ng kanilang kaibigang si Veronica Manlulu.
Ilan sa mga kilalang personalidad na dumalo sa kanilang kasal ay sina Jane Oineza, Gabby Padilla, Donna Cariaga, Pepe Diokno, Anna Luna, at Kat Galang.
Congratulations and best wishes Cedrick at Kate!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.