Dennis aware na hindi siya ang maglalakad kay Claudia sa altar: ‘Nag-okay siya!’

Dennis Padilla, Claudia Barretto, Marjorie Barretto
“I THINK what he wants to really do is to accuse me na in-orchestrate ko lahat at para magmukha siyang tanga.”
Ito ang diing sabi ni Marjorie Barretto patungkol kay Dennis Padilla, ama ng tatlong anak niyang sina Julia, Claudia at Leon.
Sunud-sunod kasi ang hate posts ni Dennis sa kanyang Instagram account dahil feeling niya ay nabastos siya sa katatapos na kasal ng anak na si Claudia Barretto-Lorenzo nitong April 8 dahilan para magpa-interview siya kay Ogie Diaz sa vlog nitong “Ogie Diaz Inspires” na uploaded na sa YouTube channel.
Umasa kasi ang ama ni Claudia na siya ang maghahatid sa kanya sa altar at saka ipagkakatiwala sa asawang si Basti Lorenzo, pero hindi nangyari dahil sabi sa kanya ng wedding coordinator ay mag-stick sa program na ibinigay sa kanya na hindi binanggit kung sino ang nag-utos.
Sa pagpapatuloy ni Marjorie sa panayam niya kay Ogie na hiningi ang kanyang panig dahil nakapanayam nito si Dennis pagkatapos ng kasal ng anak.
Baka Bet Mo: Dennis tinawagan ni Claudia bago ang kasal, muntikang hindi matuloy ang special day
“Tama ba ako, hindi niya masabi ‘yung pangalan ko? Inaaway na niya lahat ng tao. Lumaki na ‘yung kuwento. Masyado nang makalat pero ang gusto lang niyang tumbukin, ‘Marjorie ang may pakana ng lahat.’
“Ang gusto ni Dennis, hindi relasyon sa mga anak. Ang gusto niya atensyon. Kung nale-left out ka, wala ka kasi sa buhay ng mga anak mo eh. Mas gusto mo pa kasi magpa-interview,” sambit pa ng mama ng ikinasal.
Isa pang sinagot ni Marjorie ay ang reklamo ni Dennis na hindi siya pinaupo sa tabi ng pamilya ng ikinasal kundi sa tabi ng mga ninong, kaya nasambit niya kay Ogie na, “Ninong ba ako?”
Nakita kasi ng father of the bride na nakaupo si Marjorie sa hilera ng magulang ni Basti.
“Yes, I was seated at the front row where the mother and the father of the bride should be, and I will not say sorry for that. I raised my child single-handedly, Dennis. I was there with her. I deserved that seat in the front.”
Nabanggit din ni Marj na gusto ni Claudia na pribado ang kasal nila ni Basti, “Hindi niya sini-share ‘yung engagement, she was engaged for sometime and she don’t wanna share the wedding, she wanted peaceful tsaka hindi sila showbiz (family of Basti), you know what I mean.”
At para malaman ni Dennis ay pinaimbita siya mismo ni Marjorie kay Claudia.
“Kino-convince ko sila (Claudia at Basti) na the right thing to do is to invite the father, yes ako God knows, alam ng Diyos. Alam lahat ng mga anak ko. Sometimes it cost friction because they’re not friends kasi estranged sila, eh. Sabi ko it’s the right thing to do, start your life and think about it,” pahayag ng mama nina Julia, Claudia at Leon.
At pinayuhan pa nga ni Marjorie na ipagpanata ng anak ang tatay nito para sa nalalapit na kasal.
“And then she told me, okay I’ll invite him but I don’t want him to walk with me down the aisle. I hope my daughters’ not judge here, why?
“Because ano ba ang ibig sabihin ng walking the bride down the aisle? It’s a father who raised you, provided for you, nurtured you, protected you. Safe space handling over your daughter now after raising her to the man who is now gonna be in-charge of her,” diretsong sabi ni Marjorie.
Dagdag pa niya, “So, why would he hand over Claudia, she doesn’t even know anything about him (and) he doesn’t know anything about her.”
Baka nga raw hindi rin alam ni Dennis kung anong kursong natapos ni Claudia at kung saan ito nag-aral at sino ang mga kaibigan nito mula nu’ng bata pa dahil sila ang mga inimbita sa kasal.
Iba na rin daw ang uso ngayon na ang ilang bride ay solo ng naglalakad sa aisle hindi katulad noong araw at may mga iba pang gumagawa na kasama ang kanilang magulang naglalakad patungo sa altar.
At bago raw ang kasal ay alam na ng father of the bride na hindi siya ang maghahatid sa anak sa altar dahil binanggit ito sa kanya noong nagkita sila over lunch last March 18.
“Ogie nu’ng nag-usap sila (mag-ama), Claudia had two requests, don’t divulge about the wedding details and number 2, Papa, I’m gonna walk myself down the aisle, ha and he said okay, nag-okay siya, mamatay man ang lahat ng anak ko, sinabi niya (Claudia) ‘yun because that was the main reason for the lunch meeting that they were able to talk about boundaries.”
Ang saya-saya nga raw ng tatlong anak nu’ng ikuwento sa mama nila na naging maganda ang lunch meeting nilang mag-aama.
Nandoon din daw ang ex-mother in law niya na hindi alam kung narinig at naintindihan ang pinag-usapan.
“Dennis ‘wag mong ide-deny ito kung hindi ka pumayag sa sinabi ni Claudia na mag-isa siyang lalakad sa aisle ay hindi ka na aabot na makakapunta pa sa wedding kasi request ‘yan ng bata, sinabi sa iyo ‘yan.
“My kids were so very happy kasi they believe that it was the beginning of healing kasi kakabati n’yo lang, baby steps tayo.
“So, prepared ako that he will go to the wedding, Dennis walang programa ang wedding, the wedding was very straightforward. Yes you’re the father of the bride and I’m the mother of the bride but the star is the couple, eh, hindi ikaw at hindi ako, sila (Basti at Claudia),” paliwanag ni Marjorie.
Nabanggit pa na may sariling rules ang church at walang say ang wedding coordinator.
And mother butlers daw ang in-charge sa church at hindi puwedeng makialam ang wedding coordinator.
May inilabas ding mga larawang maraming ka-tsikahan si Dennis sa loob ng simbahan kaya hindi totoong walang kumausap sa kanya.
May larawang magkasama sila ng mama niya sa pictorial with Julia and Leon at ng mga ikinasal na sina Basti at Claudia sa altar.
At isa pang ibinuking ni Marjorie ay hindi raw pinatahimik ni Dennis ang anak na si Claudia sa gabi ng kasal nito dahil tawag ng tawag at pilit na inaalam kung sino ang nagdesisyong hindi siya kasamang maglakad sa aisle.
“He kept calling her the whole night of her wedding and then hindi pa nakutento si Dennis, on the first day of Claudia being married he kept calling her up at 6 a.m. Imaginin mo ‘yun. Nate-terrorize ‘yung mga bata,” chika niya.
At ang mensahe raw ni Dennis, “Kaninong pakana ito Claui, ikaw o ang nanay mo?”
Bukas ang BANDERA sa panig ni Dennis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.