Dakota Johnson, Chris Evans, Pedro Pascal love triangle sa ‘Materialists’

PHOTO: Courtesy of Columbia Pictures
MUKHANG hindi pa tapos ang panahon ng matitinding love triangle!
Ito ay dahil sa bagong pelikula ng Canadian director na si Celine Song na pinamagatang “Materialists.”
Sure na sure kami na magpapakilig ito sa maraming manonood dahil ang mga magiging involve sa matinding labanan ng puso ay ang tatlong malalaking Hollywood stars na sina Dakota Johnson, Chris Evans, at Pedro Pascal.
Inilabas na ang official trailer para sa upcoming movie at ibinabandera riyan ang kwento ng isang dalagang matchmaker mula New York City na napapagitnaan ng dalawang lalaki – ang perpektong match at ang kanyang imperfect pero hindi malilimutang ex-boyfriend.
Baka Bet Mo: Brad Pitt sasabak sa matinding karera sa ‘F1,’ ibinandera ang pasilip
Para sa hindi masyadong aware, ang direktor ng nasabing pelikula ay ang nasa likod din ng romance drama movie na “Past Lives” na ipinalabas noong 2023.
Ito ang kanyang debut film na hinirang sa Academy Awards para sa Best Picture at Best Original Screenplay.
Wala pang petsa kung kailan ipapalabas sa mga lokal na sinehan ang “Materialists,” pero siguradong magpapasabog ito ng kilig!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.