Beaver, Mutya, Maxine love triangle sa tunay na buhay?

Beaver, Mutya, Maxine love triangle sa tunay na buhay?

Ervin Santiago |April 21,2024
facebook
share this

Beaver, Mutya, Maxine love triangle sa tunay na buhay?

Ervin Santiago - April 21, 2024 - 08:10 AM

Beaver, Mutya, Maxine love triangle sa tunay na buhay?

Maxine Trinidad, Beaver Magtalas at Mutya Orquia

IN FAIRNESS, talaga namang may kilig at magic ang tambalan nina Mutya Orquia at Beaver Magtalas na kering-kering sumunod sa yapak ng matatagumpay na loveteam sa showbiz.

Napanood na namin ang kanilang launching movie na “When Magic Hurts” sa naganap na premiere night nito recently sa SM North EDSA Cinema at pinatunayan nga ng dalawang Star Magic artists ang kanilang nag-uumapaw na chemistry.

Habang pinanonood nga namin ang movie ay parang may K-drama feels ang ilang mga eksena, lalo na sa mga pakilig moments nina Beaver at Mutya pati na ang kanilang drama scenes.

Baka Bet Mo: Dolly de Leon pasabog ang role sa ‘Triangle of Sadness’, binigyan ng standing ovation sa opening ng 10th QCinema filmfest

Isa pa sa mga refreshing na eksena sa “When Magic Hurts” ay ang mga breathtaking sceneries ng Atok, Benguet kung saan kinunan ang kabuuan ng movie. Pagkatapos nga naming panoorin ang pelikula ay gusto na naming pumunta roon.

Mula sa direksyon ni Gabby Ramos, showing na mga sinehan ngayong darating na May ang “When Magic Hurts”. Ka-join din dito sina Maxine Trinidad, Dennis Padilla, Angelica Jones, Claudine Barretto at marami pang iba.

Samantala, siguradong magmamarka rin sa movie ang love triangle nina Beaver, Mutya at Maxine na in fairness, hindi rin nagpatalbog sa aktingan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Beaver Magtalas (@beavermagtalasofficial)


Nali-link ngayon si Beaver sa dalawa niyang lea­ding ladies – naka-date niya si Mutya sa Star Magical Prom ng ABS-CBN last month habang si Maxine naman ang prom date niya sa katatapos lang na Junior-Senior Prom nila sa kanyang school sa Nueva Ecija.

Baka Bet Mo: SPEEd Outreach 2024 umabot na sa Nueva Ecija at Aurora

Sa red-carpet premiere night ng “When Magic Hurts” natanong ang aktor kung may love triangle ba talaga sila kahit sa totoong buhay.

“Wala po. Talagang friends po kaming tatlo. I can confidently say that po na talagang ‘yung bond po namin because of this movie is super pure and talagang super different po from any other friendship that other people have.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kasi dito po, nag-lock in kami and we got to spend a lot of time together and I feel like ‘yun po ang talagang nagpa-close sa amin sa isa’t isa and even after that nga po, we still hang out. So, hindi po nawawala ang pagiging close sa aming tatlo,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending