Tambalan nina Beaver Magtalas at Mutya Orquia ang lakas magpakilig, hiling ng fans: 'Bigyan na ng projects yarn!' | Bandera

Tambalan nina Beaver Magtalas at Mutya Orquia ang lakas magpakilig, hiling ng fans: ‘Bigyan na ng projects yarn!’

Ervin Santiago |April 27,2023
facebook
share this

Tambalan nina Beaver Magtalas at Mutya Orquia ang lakas magpakilig, hiling ng fans: ‘Bigyan na ng projects yarn!’

Ervin Santiago - April 27, 2023 - 10:56 AM

Tambalan nina Beaver Magtalas at Mutya Orquia ang lakas magpakilig, hiling ng fans: 'Bigyan na ng projects yarn!'

Mutya Orquia at Beaver Magtalas

ABANGERS na ang mga fans sa magiging possible projects ng Kapamilya youngstars na sina Beaver Magtalas at Mutya Orquia sa ABS-CBN.

Pagkatapos ngang mag-viral at maging top trending topic sa social media ang promdate nina Beaverat Mutya sa Star Magical Prom, umaasa ang kanilang mga tagasuporta na magiging regular na ang loveteam nila.

Maraming kinilig sa ginawang “promposal” ni Beaver sa dating child star na si Mutya na unang nakilala sa dating serye ng ABS-CBN na “Be Careful with My Heart.”

Nagsulat pa si Beaver ng tula at hinarana si Mutya sa Tagaytay. Very traditional ang naging promposal nito sa former child actress na napanood din sa “Mars Ravelo’s Darna.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Beaver Magtalas (@beavermagtalasofficial)


Natural ang kilig sa kanila lalo nu’ng gabi ng Star Magical Prom, ang sabi nga ng kanilang mga fans, sana raw ay mabigyan ng maraming projects ang dalawa sa mga susunod na buwan at taon.

Actually, matagal nang magkakilala sina Beaver at Mutya na nag-umpisa sa Star Magic workshops.

Baka Bet Mo: Iona Gibbs mula Bataan kinoronahang Mutya ng Pilipinas 2022

Anyway, unti-unti nang umuusad ang career ng artist ng ABS-CBN Star Hunt na unang napanood sa pelikulang “Genius Teens.”

After “Genius Teens” ay napanood si Beaver sa digital series na “Roommate” na talaga raw pinaghirapan niya.

Sa kasalukuyan ay nagsu-shooting siya para sa “The Untold Story of Imelda Papin” directed by Gabby Ramos, ang director din nila sa “Roommate.”

“On a film set everyone is very cool. Well, blessed really,” ang nakasaad pa sa post ni Beaver.

Kapag tinatanong ang young actor kung ano na ba talaga ang estado ng relasyon nila ni Mutya, isang napakatamis na ngiti lamang ang isinagot nito. So, kayo na ang bahalang magsabi kung may “something” nang namamagitan sa kanila.

Ex-child star na si Mutya Orquia umaming hiyang-hiya nang makatrabaho uli si Zaijian Jaranilla: ‘Kuya-kuya ko po kasi siya dati’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Zaijian Jaranilla, Mutya Orquia bagong loveteam na ibebenta sa ‘Darna’, magpapakilig sa madlang pipol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending