Zaijian Jaranilla, Mutya Orquia bagong loveteam na ibebenta sa 'Darna', magpapakilig sa madlang pipol | Bandera

Zaijian Jaranilla, Mutya Orquia bagong loveteam na ibebenta sa ‘Darna’, magpapakilig sa madlang pipol

Ervin Santiago |November 20,2022
facebook
share this

Zaijian Jaranilla, Mutya Orquia bagong loveteam na ibebenta sa ‘Darna’, magpapakilig sa madlang pipol

Ervin Santiago - November 20, 2022 - 09:44 AM

Zaijian Jaranilla, Mutya Orquia bagong loveteam na ibebenta sa 'Darna', magpapakilig sa madlang pipol

Mutya Orquia at Zaijian Jaranilla

SIGURADONG marami ang kikiligin sa bagong loveteam na ibebenta ng ABS-CBN sa second season ng action-fantasy series na “Darna” na pinagbibidahan nina Jane de Leon, Janella Salvador at Joshua Garcia.

Ang tinutukoy namin ay sina Zaijian Jaranilla at Mutya Orquia na parehong dating child star na binatilyo at dalagita na nga ngayon.

Ginagampanan ni Mutya ang karakter ni Tricia, isa sa mga classmates ni Zaijian na gumaganap nga bilang kapatid ni Darna na si Ding.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mutya Orquia (@iammutya_orquia)


Isa ring blogger si Tricia na ang tanging gustong gawin ay ang i-expose ang katotohanan tungkol sa rehabilitation facility para sa mga “Extras” na pag-aari ni Nueva Esperanza.

“Na-excite po ako lalo na makaka-work ko ulit si Zaijian Jaranilla. Nagka-work na kasi kami before at saka masaya.

“Alam niyo po ba guys dahil sa kanya mas nagiging vocal ako sa mga naiisip ko. Kasi super talaga siya like magsasalita talaga siya; ako kasi takot ako like parang nahihiya ako,” ang pahayag ni Mutya sa “Inside News” ng Star Magic tungkol sa kanyang comeback series.

Tungkol naman sa pagsasama nila ni Zaijian sa “Darna”, “Since naninibago ako sa production, sa mga kasama, mas napadali. Kasi nakikipag-communicate siya.

“Kapag may iniisip siya ‘try kaya natin ‘to’ kahit di pa niya sabihin kina direk, sasabihin niya ‘uy try kaya natin ganito. Advice rin nagbibigay siya,” ani Mutya.

Samantala, masasabi namang reunion project nina Mutya at Janella ang “Darna” matapos silang magsama noon sa 2014 daytime series ng ABS-CBN na “Be Careful with My Heart.”

Sa edad na 4, bumida ang dalagita sa 2011 Kapamilya series na “Mutya.” Naging bahagi rin siya noon ng kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” at nakasama rin sa family drama ng ABS-CBN na “Pamilya Ko” noong 2019.

Zaijian Jaranilla na-experience ang epektib na ‘gamot’ ni Jodi: Nawawala yung stress namin sa taping

Zaijian Jaranilla super lucky sa pagpasok ng 2022, may ‘Broken Marriage Vow’ na may ‘Darna’ pa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jane de Leon kay Zaijian Jaranilla: Alam mo naman na sobrang mahal na mahal kita…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending