Zaijian Jaranilla super lucky sa pagpasok ng 2022, may 'Broken Marriage Vow' na may 'Darna' pa Bandera

Zaijian Jaranilla super lucky sa pagpasok ng 2022, may ‘Broken Marriage Vow’ na may ‘Darna’ pa

Ervin Santiago |January 23,2022
share this

Zaijian Jaranilla super lucky sa pagpasok ng 2022, may ‘Broken Marriage Vow’ na may ‘Darna’ pa

Ervin Santiago January 23, 2022 - 05:51 PM

Jane de Leon, Zanjoe Marudo, Jodi Sta. Maria at Zaijian Jaranilla

IN FAIRNESS, maganda at mukhang super lucky nga ang pasok ng taong 2022 sa Kapamilya young actor na si Zaijian Jaranilla!

Kung humataw nang bonggang-bongga ang showbiz career ng dating child star noong nakaraang taon sa kabila ng pandemya, siguradong mas babagyuhin siya ng blessings this year.

Bukod sa inaabangan nang Kapamilya series na “The Broken Marriage Vow,” kung saan gaganap siyang anak nina Jodi Sta. Maria at Zanjoe Marudo ay may isa pang napakalaking project si Zaijian na inaasahang ipalalabas din ngayong 2022.

Ito nga ay ang pagganap niya bilang si Ding sa fantasy-action-drama na “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series” na pagbibidahan ni Jane de Leon as the new Darna.

Ito’y sa direksyon ng award-winning filmmaker na si Chito Roño. Gagampanan ni Zaijian ang karakter ni Ding ang kapatid ni Narda at sidekick ni Darna.

“Sa Darna, 13 (years old) din ‘yung first stage, tapos lalaki rin. Ang galing nakakagawa pa ako ng mga ganoong role,” pahayag ni Jaranilla sa isa niyang interview.


Aniya pa, “Sobrang excited, kasi ako lang ‘yung Ding na matanda. Lahat ng mga Ding, hindi ba bata? Tapos nakakasakay sa likod ni Darna. Eh, iba na naman ‘yung panahon ngayon. So feeling ko modern ‘yung atake ng show.”

Pero bago nga lumipad si Darna, tunghayan muna si Zaijian sa “The Broken Marriage Vow” kung saan muling ipamamalas ng binata ang kanyang galing sa pagdadrama na nahasa nang husto sa classic series na “May Bukas Pa” bilang si Santino.

“Grabe po ‘yung pressure. Kasi hindi pa nagsisimula ‘yung show namin parang pinag-uusapan na nila. Pero confident ako at proud ako kasi ang ganda po nang ginawa namin. 

“Hindi na rin po ako makapaghintay na ipakita sa kanila ‘yung resulta nang natapos namin na show na yung ini-expect nila ay pakiramdam ko mahihigitan pa namin,” pahayag ni Zaijian.

Ang “The Broken Marriage Vow” ay magsisimula na ngayong Monday, Jan. 24, 8:40 p.m. sa iba’t ibang digital platforms ng ABS-CBN sa direksyon ni Concepcion Macatuno.

Zaijian Jaranilla hiwalay na sa non-showbiz dyowa

Zaijian Jaranilla loyal sa Kapamilya network: Hindi po ako lilipat

Joshua, Zaijian pasok sa ‘Darna’ ni Jane; sino kaya ang mapipiling Valentina?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending