Jane de Leon kay Zaijian Jaranilla: Alam mo naman na sobrang mahal na mahal kita... | Bandera

Jane de Leon kay Zaijian Jaranilla: Alam mo naman na sobrang mahal na mahal kita…

Ervin Santiago |September 06,2022
facebook
share this

Jane de Leon kay Zaijian Jaranilla: Alam mo naman na sobrang mahal na mahal kita…

Ervin Santiago - September 06, 2022 - 01:50 PM

Jane de Leon tunay na kapatid na ang turing kay Zaijian  Jaranilla

Zaijian Jaranilla at Jane de Leon

ITINUTURING na ni Jane de Leon na parang tunay na kapatid ang co-star niya sa Kapamilya action-fantasy series na “Mars Ravelo’s Darna” na si Zaijian Jaranilla.

Gumaganap na Ding si Zaijian sa “Darna”, ang kapatid at sidekick ni Jane sa bagong version at kuwento ng classic Pinay superhero na napapanood gabi-gabi sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.

Kahapon, sa “Magandang Buhay” nagbigay ng mensahe si Jane sa pamamagitan ng isang recorded video para sa pagdiriwang ng ika-21 kaarawan ni Zaijian.

“Hi Bunso! Gusto lang kitang batiin ng happy, happy birthday! Alam mo naman na sobrang mahal na mahal kita.

“Itinuturing na kita na parang isang tunay na kapatid. Lagi mong tatandaan na nandiyan lang ako lagi para sa iyo,” pahayag ni Darna kay Ding.

View this post on Instagram

A post shared by Zaijian Jaranilla🔹 (@zaijianjaranilla1)


Dagdag pa niyang mensahe sa young actor, “Sobrang naging mahalaga ka at naging parte ka na ng buhay ko. Just enjoy. And please always love yourself and protect your heart.”

Bukod kay De Leon, bumati rin sa pamamagitan ng video message si Dominic Ochoa na kamakailan lang ay naging bahagi ng “Darna” bilang si Lindol Man.

May birthday message rin si Zanjoe Marudo para kay Zaijian na nakasama niya sa seryeng “The Broken Marriage Vow” kung saan gumanap sila bilang mag-ama.

Bukod dito, sinorpresa rin ng beteranang aktres na si Rio Locsin si Zaijian sa personal na pagpunta nito sa studio ng “Magandang Buhay” para batiin ang binata sa kanyang kaarawan.

Si Rio ang gumaganap na lola nina Jane at Zaijian sa “Darna”. At sabi nga ng premyadong aktres, naging malapit na rin sa kanya ang dalawang Kapamilya stars at itinuturing na rin niya ang mga ito na parang tunay na apo.

Ito naman ang mensahe ni Zaijian para sa kanyang kaarawan, “Gusto ko lang na magtagal pa ako sa showbiz industry.

“‘Yon lang po ang wish ko para sa sarili ko para mapakita ko ang talento ko at maka-inspire ako ng ibang tao pa,” pahayag pa ng binata.

https://bandera.inquirer.net/303418/zaijian-jaranilla-na-experience-ang-epektib-na-gamot-ni-jodi-nawawala-yung-stress-namin-sa-taping

https://bandera.inquirer.net/287802/zaijian-jaranilla-loyal-sa-kapamilya-network-hindi-po-ako-lilipat

https://bandera.inquirer.net/302958/zaijian-jaranilla-hiwalay-na-sa-non-showbiz-dyowa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/303738/parang-tatay-ko-na-talaga-si-kuya-zanjoe-at-feel-na-feel-ko-na-nanay-ko-si-mama-jodi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending