'Fleeting' nina Janella at RK pinalakpakan sa CinePanalo 2025

‘Fleeting’ nina Janella at RK pinalakpakan, pinuri sa CinePanalo 2025

Reggee Bonoan - March 16, 2025 - 04:50 PM

'Fleeting' nina Janella at RK pinalakpakan, pinuri sa CinePanalo 2025

Bryan Diamante, Catsi Catalan, Janella Salvador, RK Bagatsing, Alora Sasam at Peter Mendijar

DINALA ng pelikulang “Fleeting” ang mga nanood sa nakaraang Gala Night sa lugar na hindi madalas puntahan ng mga bakasyunista, ang Mati, Davao Oriental.

Ang sarap panoorin ng pelikula dahil refreshing, ito ‘yung parang gusto mo lang mag-relax habang ngumangata ng popcorn at umiinom ng super lamig na soda in can at napapangiti.

Base sa 2020 census ay nasa 147,547 ang population ng Mati na pinamumunuan ni Mayor Michelle Nakpit Rabat.

Ayon sa Wikipedia, maraming turista na rin ang nakarating sa Mati na simula noong 2019 ay umabot sa 272,400 at taun-taon ay nadadagdagan hanggang noong 2022 ay umabot sa 500,000.

Ang pelikulang “Fleeting” ang isa sa mga entry sa ginaganap na Puregold CinePanalo Film Festival 2025 sa Gateway Cinemas, Gateway 2 hanggang Marso 25.

Simple lang ang script ng first time director na si Catsi M. Catalan tungkol sa babaeng matagal nang pangarap ang maging piloto. Si Gem (Janella Salvador) ay sadyang pumunta ng Mati dahil nandoon ang SECDEA Aviation Flight School kung saan siya nag-enrol.

Ang Airbnb na pag-aari ni RK Bagatsing as JC ang naging bahay ni Janella habang tinatapos niya ang 40 hours of training at saka niya nakuha ang Private Pilot License.

At para makuha ang Commercial Private License ay kailangan niyang tapusin ang 250 hours pero dahil kinapos na ng budget kaya kinailangan niyang mag-apply ng student program sa ibang flight school kung saan natanggap siya sa Australia.

Habang nag-aaral ay nakita ni Janella ang kagandahan ng Mati dahil inililibot siya ni RK na super kulit na turuan siyang mag-surf kapalit ng offer ng dalaga na ipo-promote sa socmed ang kanyang coffee shop dahil sa napakasarap nitong tsokolate.

Typical probinsyano si RK at buong buhay niya ay nasa Mati lang siya dahil sa itinayong kapehan at Airbnb pero nabago ang pananaw niya nu’ng nahulog na ang loob niya kay Janella at gusto nitong sumama sa ibang bansa kung saan mag-schooling ang dalaga pero pinigilan siya nito dahil mas dapat nitong pagtuunan ng atensyon ang negosyo niya lalo’t may gusto itong patunayan sa pamilya niya.

Sa tanong kung magkikita pa ulit sina JC at Gem ay walang kasiguraduhan.

Nadala ng napakagandang cinematography ni Direk Dan Villegas ang simpleng script ng “Fleeting” kaya halos lahat ng nakapanood ay gusto nang pumunta sa Mati at isa na kami roon.

Emosyonal si direk Catsi sa mga narinig na papuri at palakpakan mula sa mga kilalang direktor na sinuportahan siya sa gala night tulad nina Chad Vidanes, Victor Villanueva, Emman dela Cruz, Philip King, Ted Boborol, Antoinette Jadaone at marami pang iba.

Say ni direk Catsi, sobrang down siya noong nagsara ang ABS-CBN dahil isa siya sa naging casualty na nawalan ng trabaho, sumabay pa sa pagkakaroon niya ng personal problem.

“I didn’t know what will happen, I was about to turn 30 and a few months-time and marami akong tanong sa buhay ko no’n at pero sa pelikulang ito, nasagot ko iyon, maraming-maraming salamat sa lahat ng sumuporta at siyempre sa mama ko, maraming salamat,” emosyonal na kuwento ng direktor.

Sobrang proud naman ang Mentorque producer na si John Bryan Diamante na panay ang tingin kay direk Catsi at kinurot pa sa pisngi na parang nakababatang kapatid na inuwian siya ng medalya mula sa eskuwela.

“I’m so proud of you,” bulong ni Bryan kay Catsi.

Katuwang ng Mentorque Productions ang WAF Studios sa pagbuo ng Fleeting at panay ang pasalamat ni direk Catsi sa kanyang DOP (director of photography) na si Dan Villegas at kasama rin sa pelikula sina Alora Sasam at Peter Mendijar.

Nag-cross fingers si direk Catsi sa tanong namin kung may kasunod na ang “Fleeting”, “Tingnan natin” na ibig sabihin ay kung kikita ang pelikula.

Samantala, bago namin pinanood ang nasabing pelikula ay sinabi sa amin ng CinePanalo Festival Director na si Chris Cahilig, “Commercial movie ang Fleeting, maganda ang cinematography, maayos ang pagkakalatag for a first timer (director).”

Sang-ayon naman kami maganda nga ang latag ng kuwento.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magkakaalaman naman sa Marso 19, kung sinu-sino at anong mga pelikula ang magwawagi sa CinePanalo Film Festival awards night.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending