Iona Gibbs mula Bataan kinoronahang Mutya ng Pilipinas 2022 | Bandera

Iona Gibbs mula Bataan kinoronahang Mutya ng Pilipinas 2022

Armin Adina - December 05, 2022 - 06:39 AM

Iona Gibbs mula Bataan kinoronahang Mutya ng Pilipinas 2022

Kasama ni Mutya ng Pilipinas Iona Gibbs (gitna) ang iba pang kinoronahang reyna na sina (mula kaliwa) Jesi Mae Cruz, Jeanette Reyes, Arianna Kyla Padrid, Marcelyn Bautista, Shannon Robinson, at Megan Campbell./ARMIN P. ADINA

TATLONG taon makaraang huling magtanghal ng patimpalak, humirang ng isang bagong reyna ang Mutya ng Pilipinas pageant, at siya ay si Iona Gibbs mula Bataan.

Dinaig niya ang 37 iba pang kalahok upang masungkit ng pinakamataas na premyo sa coronation night ng ika-52 edisyon ng pambansang patimpalak na itinanghal sa FilOil EcoOil Center sa San Juan City noong Dis. 4, at tinanggap ang titulo mula kay Klyza Castro na nagwagi noon pang 2019.

Ilang mga reyna pa ang kinoronahan—sina Mutya ng Pilipinas-Tourism International Jeanette Reyes mula Camarines Sur, Mutya ng Pilipinas-World Top Model Arianna Kyla Padrid mula Northern California, at Mutya ng Pilipinas-Overseas Communities Jesi Mae Cruz mula California.

Ginawaran din ng mga espesyal na titulo ang mga runner-up—sina Mutya ng Pilipinas-Luzon Shannon Robinson mula Makati City, Mutya ng Pilipinas-Visayas Megan Campbell mula Lapu-LapuCity, at Mutya ng Pilipinas-Mindanao Marcelyn Bautista mula Tarlac City.

View this post on Instagram

A post shared by Mutya ng Pilipinas (@mutyangpilipinasofficial)


Ibabandera ni Reyes ang Pilipinas sa 2023 Miss Tourism International pageant, habang lalaban naman si Padrid sa 2023 World Top Model contest. Hindi pa tinutukoy kung saan lalahok si Gibbs, ngunit sinabi ng Mutya ng Pilipinas organization na naghahanap sila ng pandaigdigang patimpalak kung saan siya isasali.

Nag-host si Castro kasama ang broadcaster na si Gretchen Fullido at aktor na si Marco Gumabao, habang nagtanghal naman ang P-pop group na Alamat, ang girl group na G22 at si Jon Guelas.

Nagpahinga ang Mutya ng Pilipinas pageant noong 2020 at 2021 dahil sa COVID-19 pandemic.

Mutya ng Pilipinas pageant tagisan ng mga beterana, baguhan, at overseas beauties

40 kandidata magtatagisan sa ‘comeback edition’ ng Mutya ng Pilipinas pageant

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending