Mutya ng Pilipinas pageant tagisan ng mga beterana, baguhan, at overseas beauties | Bandera

Mutya ng Pilipinas pageant tagisan ng mga beterana, baguhan, at overseas beauties

Armin P. Adina - December 02, 2022 - 04:50 PM

Mutya ng Pilipinas pageant tagisan ng mga beterana, baguhan, at overseas beauties

Mutya ng Guindulman Katherine Topsnik (kaliwa) at Mutya ng Bataan Iona Gibbs/ARMIN P. ADINA

NAG-IINIT na ang ika-52 Mutya ng Pilipinas pageant dahil sa kahanga-hangang hanay ng mga kalahok na kinabibilangan ng mga pamilyar na kandidata, palabang baguhan, at beteranang overseas beauties.

Nagbabalik ngayong taon ang pambansang patimpalak makaraang magpahinga noong 2020 at 2021 dahil sa COVID-19 pandemic, at ipinagpatuloy ang pagkilala sa mga Pilipina sa ibang bansa sa pagtanggap ng mga kinatawan mula sa mga pamayanang Pilipino sa ibayong-dagat upang labanan ang mga kandidata mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Kabilang sa hanay ng mga Pilipinang galing ng ibang bansa ang mga pamilyar na mukha, sina 2022 Miss Summit International first runner-up Margaret Rodrigo mula sa Canada, at 2020 Miss Philippines Ecotourism Ilyssa Mendoza mula Melbourne, Australia.

 

Mutya ng Pilipinas pageant tagisan ng mga beterana, baguhan, at overseas beauties

Mutya ng Canada Margaret Rodrigo/ARMIN P. ADINA

“Coming here to the Philippines, it’s like I’m here at home. Everyone looks like me,” sinabi ni Rodrigo sa Inquirer sa press presentation na isinagawa sa Citadines Bay City Manila sa Pasay City noong Nob. 25.

Ibinahagi rin niyang nakasalamuha niya ang malaking pamayanang Pilipino sa Las Vegas na ibandera niya ang Canada sa 2022 Miss Summit International pageant. “That makes you feel at home anywhere you go,” aniya.

Mutya ng Surigao del Norte Angela Okol/ARMIN P. ADINA

Mga beterana naman sa national pageants ang makakalaban nila sa Mutya ng Pilipinas pageant, kabilang sina 2019 Miss Scuba Philippines Liz Mabao, 2021 Miss Universe Philippines alumna Angela Okol, at Katherine Topsnik mula sa Guindulman, Bohol, na sumabak na sa Hiyas ng Pilipinas at Miss FIT Philippines.

“I would bring my experiences because, for me, each pageant is a chance for me to improve,” sinabi ni Topsnik sa Inquirer.

Ngunit dapat silang mag-ingat sa mga palabang baguhan. Unang pageant pa lang ito nina Iona Gibbs mula Bataan at Shannon Robinson mula Makati City ngunit napansin na sila ng maraming tagasubaybay.

Mutya ng Makati Shannon Robinson/ARMIN P. ADINA

“Some may consider being a newbie a weakness. I consider it to be a strength in that I can bring a different point of view to things and take everything with the ‘newness’ and the naivety in a positive way, and make a difference,” tugon ni Gibbs sa tanong ng Inquirer.

Mutya ng Rizal Liz Mabao/ARMIN P. ADINA

Ngayong taon, apat na titulo ang igagawad sa pambansang patimpalak—Mutya ng Pilipinas 2022, Mutya ng Pilipinas-Tourism International, Mutya ng Pilipinas-World Top Model, at Mutya ng Pilipinas-Overseas Communities.

Tatanggap din ang runners-up ng mga espesyal na titulo—Mutya ng Pilipinas-Luzon, Mutya ng Pilipinas-Visayas, at Mutya ng Pilipinas-Mindanao—katulad ng nakagawian noong mga unang taon ng patimpalak.

Itatanghal ang 2022 Mutya ng Pilipinas pageant sa FilOil EcoOil Center sa San Juan City sa Dis. 4. Isasalin ni Klyza Castro at ng mga kareyna niya noong 2019 ang kani-kanilang mga korona.

 

Related Chika:
Huling tawag para sa mga aplikante ng Mutya ng Pilipinas pageant sa Nob. 20

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

40 kandidata magtatagisan sa ‘comeback edition’ ng Mutya ng Pilipinas pageant

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending