Mutya Orquia idol na idol sina Angel at Maja, type mag-action

Mutya Orquia idol na idol sina Angel at Maja, gustong maging action star

Ervin Santiago |February 29,2024
facebook
share this

Mutya Orquia idol na idol sina Angel at Maja, gustong maging action star

Ervin Santiago - February 29, 2024 - 06:10 AM

 

Mutya Orquia idol na idol sina Angel at Maja, naghahanda bilang action star

Mutya Orquia at Beaver Magtalas

NAGDARASAL at umaasa ang Kapamilya youngstar na si Mutya Orquia na susuportahan ng madlang pipol ang launching movie niyang “When Magic Hurts.”

Ang makakatambal niya rito ay ang magaling na actor-singer na si Beaver Magtalas kasama ang kapwa rin niya Star Magic artist na si Maxine Trinidad.

Sa presscon ng pelikula na idinirek ni Gabby Ramos, pinakilig ni Beaver ang members ng press at ang kanilang mga co-stars nang yayain niya si Mutya na maging date niya sa gaganaping Star Magical Prom 2024.

Sey ni Beaver sa kanyang “promposal”, “I wanted to do this because I want to show you how truly special you are not just to me but how special you are to this world. Ms. Mutya Orquia will you go to the Star Magic Prom with me?”

Baka Bet Mo: Zaijian Jaranilla, Mutya Orquia bagong loveteam na ibebenta sa ‘Darna’, magpapakilig sa madlang pipol

“Eto naman, inaalis ko pa lang ‘yung kaba ko sa presscon, tapos nanggugulat ka naman, eh. Yes!” ang natatawang pagpayag ni Mutya. Sila rin ang magka-date last year sa naturang Star Magic event.

Ang Star Magical Prom 2024 ay may temang “A Fairy Tale Beginning” at magaganap na sa March 14.

Samantala, ayon kay Mutya, na isa sa mga Goin’ Bulilit graduate, gusto niyang subukan ang mga mas challenging projects in the future.

“Lagi po akong nagba-boxing and Spartan kasi po ‘yun sana ‘yung gusto kong tahakin na role, which is action po,” sey ng dating child star sa panayam ng ABS-CBN.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mutya Orquia (@iammutya_orquia)


“If you know Spartan po, I’m currently doing that po. Last year, I ranked first place po sa 21 kilometers category. For me, ‘yun po ‘yung mga gusto kong gawin.

Baka Bet Mo: Tambalan nina Beaver Magtalas at Mutya Orquia ang lakas magpakilig, hiling ng fans: ‘Bigyan na ng projects yarn!’

“‘Yung mga adventure kasi mas makikilala ko po ‘yung sarili ko. Nilu-look forward ko po talaga is more adventures. Last year po, medyo late ko nasimulan ‘yung adventures ko.

“For me po, para mapaghandaan ko ‘yung role na ganu’n, handa ka rin po sa fight scenes,” ani Mutya na idol na idol sina Maja Salvador and Angel Locsin. Sa darating na May 3 ay 18 na si Mutya.

Unang nakilala ang dalagita sa Kapamilya fantasy series na “Mutya” kung saan gumanap siyang sirena na sinundan ng “Be Careful With My Heart” where she played  the youngest daughter of Richard Yap’s character.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huli siyang napanood sa “Mars Ravelo’s Darna” noong 2022 na pinagbidahan ni Jane de Leon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending