Dennis may pakiusap kay Gerald, payo kay Julia: Saka na kasal

Dennis may pakiusap kay Gerald, payo kay Julia: Saka na yung kasal-kasal

Ervin Santiago |February 26,2024
facebook
share this

Dennis may pakiusap kay Gerald, payo kay Julia: Saka na yung kasal-kasal

Ervin Santiago - February 26, 2024 - 11:03 AM

Dennis may pakiusap kay Gerald, payo kay Julia: Saka na yung kasal-kasal

Robin Padilla, Dennis Padilla, Julia Barretto at Gerald Anderson

KUNG si Dennis Padilla ang tatanungin, huwag daw muna sanang magpakasal ang kanyang anak na si Julia Barretto kay Gerald Anderson.

Nakachikahan namin ang beteranong komedyante kamakalawa, February 26, sa presscon ng bagong movie niyang “When Magic Hurts” starring Mutya Orquia and Beaver Magtalas.

Natanong siya kung ano ang magiging reaksyon niya sakaling magpakasal na ang kanyang anak kay Gerald. Natawa muna si Dennis sabay sabing, “Hindi pa nga natin alam kung ano, e… (maiimbitahan).”

“Pero for me, okay na yung magsyota muna, saka na yung wedding. Saka na yung mga kasal-kasal. Uso naman ngayon sa mga babae na…hindi katulad nu’ng araw kapag 25 years old na ang babae parang obligado nang mag-asawa.

Baka Bet Mo: Dennis kay Gerald: Mas maipakikita mong mahal mo si Julia kung irerespeto mo ‘yung tatay niya

“Ngayon, kahit 30 o 31 na ang babae, career muna. Iba na ang panahon ngayon,” aniya.

Pero siyempre raw, bilang tatay, sana raw ay siya ang maghatid kay Julia sa altar, “Hindi pa kasi kami nagkakausap. Kailan ba sila naging sila? 2019 ba? Before pandemic.

“Pero oo, sana naman. Isa yun sa pinakamahalagang bahagi ng pagiging tatay, na ihahatid mo ang daughter mo sa altar. Isang beses lang mangyayari yun sa buhay mo.

“Pero kung hindi man mangyayari, gusto ko pa ring ma-witness ‘yung kasal na `yon, kahit na hindi ako ang maghahatid,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


At sa tanong kung hindi talaga siya invited? “Siguro magsusuot ako ng wig, at facemask, shades,” ang natawang tugon ng komedyante.

“Pero sana naman ma-invite ako. Oo naman. Oo naman! Sana naman, saka sa palagay ko yun ang tama yata, eh,” ang punto pa ng veteran comedian.

Baka Bet Mo: Julia Barretto hindi pa rin nakakausap si Dennis Padilla: There’s just so much fear inside me

Ito naman ang message ni Dennis kay Gerald, “Alagaan mo lang ang anak ko nang mabuti. Mahal ka niya kaya alagaan mo si Julia.”

Nauna rito, masayang ibinalita ni Dennis na binati siya ni Julia nitong nagdaang birthday niya (February 9) na talagang ikinagulat niya. Naiyak din daw siya nang mabasa ang text ng anak.

“Kasi gabi na noong na-receive ko. Noong una nga, hindi ko alam. Sabi ko, ‘Number pa ba niya ito’? So, number pa pala niya ito.

“Hindi ko inaasahan, kasi mga ilang years na rin, ang tagal na, na hindi ako nakakatanggap ng (message).  Short message siya roon. Tapos sumagot ako.

“Tapos meron din akong short message. Tapos ang short message, icon ng heart. So, nag-message rin ako ng heart din,” sey pa ni Dennis.

Wish ng aktor, sana raw after ng pagbati ni Julia ay maging maayos na rin ang relasyon niya sa dalawa pa niyang anak kay Marjorie Barretto na sina Claudia, Leon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Yes, sana sumunod. I’m sure naman, nalaman ng mga bata, nina Claudia, Leon, na Ate (Julia) texted papa. Si Leon nami-miss ko na talaga. Siya rin ang huli kong nakausap na… at saka, lalaki `yon, kaya talagang nami-miss ko siya,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending