Gerald Anderson kinakarir ang negosyo, gym pa more

Gerald Anderson kinakarir ang negosyo, gym pa more: ‘Maganda may ibang challenge…’

Pauline del Rosario |October 16,2023
facebook
share this

Gerald Anderson kinakarir ang negosyo, gym pa more: ‘Maganda may ibang challenge…’

Pauline del Rosario - October 16, 2023 - 01:43 PM
Gerald Anderson kinakarir ang negosyo, gym pa more: ‘Maganda may ibang challenge…’
PHOTO: Instagram/@andersongeraldjr

BUKOD sa pagiging artista, abalang-abala rin ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson sa pagiging businessman.

Kamakailan lang, nagbukas siya ng ikatlong branch ng kanyang fitness center at may kasunod ito sa susunod na buwan.

Sa naging interview ni Gerald sa ABS-CBN, sinabi niya na isa ito sa mga plano niya upang magkaroon ng sariling brand sakaling nais na niyang lisanin ang showbiz industry at mag-settle down.

“Siyempre mahal ko trabaho ko sa showbiz but I want to build something na pumapasok hindi galing showbiz,” sey niya.

Paliwanag pa niya, “I worked 16 years in the industry, planning more siyempre, pero maganda may ibang challenge. Something to build from the ground up, it’s a challenge.”

Baka Bet Mo: David super lucky na sa career, swerte pa sa negosyo: ‘Naalala ko umutang pa ako sa dad ko para sa itinayo kong boxing gym’

Nabanggit din ni Gerald na maganda rin na may iba siyang pinagkakaabalahan na hindi lang puro tungkol sa showbiz.

“Gusto ko magkaroon ng facility where people can come, build a community, get fit, make friends. I am very happy may opportunities na ganito, I get to do something outside my showbiz career, keeps me busy,” Sambit niya.

Patuloy pa niya, “More than equipment, location, I want to give the best service to potential clients.”

Laking pasasalamat din ng aktor dahil kahit busy siya sa kanyang mga proyekto ay nagkakaroon pa siya ng oras upang asikasuhin ang kanyang mga negosyo.

“I told Sir Carlo [Katigbak], ang bait ni Papa God binigyan ako time ma-asikaso ito. Kailangan matutukan mo talaga kung hindi magtatampo ang business. Masakit sa bulsa,” saad niya.

Kasunod niyan, ibinunyag ni Gerald na may dapat abangan ang kanyang fans dahil magkakaroon siya ng bagong serye.

“May gagawin kami project with Direk Erik Matti, it is a series. Antayin natin ma-announce. Projects with ABS-CBN naman early next year na,” chika ng aktor.

Nauna nang nabanggit ni Gerald ang ilan sa mga role na tumatak sa kanya, kabilang na riyan ang ang pagganap niya bilang “Budoy” na ipinalabas noong 2011, pati na rin ‘yung naging role niya noong 2008 bilang isang PMA cadet.

Umaasa ang Kapamilya actor na sana raw ay mga ganitong klaseng mga proyekto ang mga susunod na gagawin niya.

Mas bet niya raw kasi ‘yung may magandang impact at makaka-relate ang maraming tao.

“So gusto ko ‘yung mga ganun. ‘Yung makikita ng audiences natin kung ano ang mga pinagdadaanan nila,” sey niya sa naging panayam kasama ang dating alkalde na si Isko Moreno.

Ani pa niya, “As an actor, mas ginaganahan akong pumunta sa trabaho kasi alam ko na may makaka-relate o may bago silang matutunan, makikita o magkakaroon ng – kumbaga sa sundalo, magkakaroon sila ng respeto na grabe pala, hindi biro ang maging sundalo.”

“So it’s very fulfilling kapag nakakagawa ako ng ganung klaseng role o show,” saad pa ni Gerald.

Related Chika:

Bea nagpagawa ng bonggang gym sa bahay; may pakiusap sa mga bashers

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vice nagpagawa ng gym sa bahay para kay Ion; Enzo, Michelle nagpapakaligaya sa Bora

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending