Gerald bibida rin sa 'All About My Wife' kasama sina Sam, Jennylyn

Gerald Anderson bibida rin sa ‘All About My Wife’ kasama sina Sam, Jennylyn; Ivana Alawi excited na sa action scenes sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’

Reggee Bonoan - September 11, 2023 - 06:57 PM

Gerald Anderson bibida rin sa 'All About My Wife' kasama sina Sam, Jennylyn; Ivana Alawi excited na sa action scenes sa 'FPJ's Batang Quiapo'

Gerald Anderson, Jennylyn Mercado, Sam Milby; Coco Martin, Ivana Alawi, Lovi Poe

FINALLY, na-reveal na ng producer na The Creazion Studios na ang aktor na si Gerard Anderson ang makakasama nina Sam Milby at Jennylyn Mercado sa pelikulang “All About My Wife.”

Nang una naming isulat dito sa BANDERA na balik-tambalan sina Sam at Jennylyn sa pelikulang ididirek ni Real S. Florido ay pina-hold munang isulat si Gerard dahil under negotiation pa kaya ang sinulat lang namin noon ay, “nagkasama na sina Sam at ang aktor na ito sa dalawang projects na at magkaibigan silang dalawa.”

Ang mga projects na pinagsamahan nina Sam at Gerard ay ang “A Family Affair” noong 2022 at “Dyesebel” na ipinalabas naman noong 2014.

Anyway, ang “All About My Wife” ay Philippine adaptation ng South Korean film with the same title na hango naman sa Argentinian hit comedy film na “A Boyfriend for my Wife.”

Nag “yes” daw kaagad sina Sam at Jen sa script ni Rona Co dahil nagustuhan nila.

Ang “All About My Wife” ay isasali sana sa Metro Manila Film Festival 2023 pero dahil nagkasakit si Jennylyn kaya hindi kaagad nakunan.

Baka Bet Mo: Jennylyn bibida pa rin sa ‘Love, Die, Repeat’; balik taping pagkatapos ang panganganak

Ang kuwento ay hindi na masaya si Sam sa asawang si Jennylyn kaya’t hiningi niya ang tulong ni Gerard para i-seduce ang asawa.  Na-imagine n’yo na kung ano ang kasundo na kuwento?

Balitang sa Cebu at South Korea ang shooting ng romantic-comedy movie na ito nina Sam, Jen at Gerard.

***

Taos-pusong nagpapasalamat ang Primetime King na si Coco Martin sa mga taga-subaybay ng “FPJ’s Batang Quiapo” kung saan nakakuha na ng higit 10 milyong online views ang trailer para sa bagong yugto ng serye sa ilalim ng 24 oras.

“Pinipilit namin gumawa ng palabas na alam namin mapaliligaya ang mga manonood gabi-gabi. Ayoko kasing tipirin ‘yung mga manonood natin. Na-aappreciate ko kasi ‘yung pagmamahal nila,” sabi ni Coco.

Pinuri rin ni Coco ang dedikasyon ng kanyang mga co-star sa serye, kung saan kabilang sina Jaclyn Jose at Ivana Alawi sa mga bagong karakter na papasok sa buhay ni Tanggol (Coco).

“Masaya ako kasi nakikita ko ‘yung suporta ng mga kasamahan kong artista sa bawat eksenang ginagawa namin. Nagpapasalamat ako dahil itong teleserye ang nagiging daan para makapag-communicate tayo sa mga tao at nakakapagbigay tayo ng saya at inspirasyon gabi-gabi,” sabi pa ni Coco.

Nagpatikim din ang “FPJ’s Batang Quiapo” para sa bago nitong yugto sa isang pasabog na trailer kung saan ito ang unang beses na naglabas si Coco ng isang trailer ng bagong season para isang TV series.

Isa sa mga kaabang-abang na rebelasyon ang paghaharap ng dalawang babae sa puso ni Tanggol na sina Mokang at Bubbles (Ivana).

“I’m just so happy sa different turn of events especially when we shot the trailer. I’m so excited to share the screen with these wonderful actors and I’m so excited din to do scenes with Ivana,” ani Lovi.

Pagbabahagi naman ni Ivana, sabik na sabik na siyang sumabak sa action scenes bilang isang tindera sa umaga at tirador naman sa gabi.

“Super excited because it’s my first time to do this kind of character and also mag-action. Abangan niyo ang totally different Ivana and a totally different character sa lahat ng na-play ko. This is really something new and something na ma-eenjoy niyo,” saad niya.

Lubos din ang pasasalamat ni Jaclyn na makatrabaho ang star-studded cast ng “FPJ’s Batang Quiapo” tulad nina Charo Santos, Cherry Pie Picache, Christopher de Leon, at iba pang bigating artista.

“Kapag hindi ako nakapasok sa soap ni Coco, parang hindi kumpleto ‘yung pagiging artista ko. Kailangan namin makasabay, kung ‘di man namin mapantayan, ‘yung taas ng lahat ng mga karakter na nandito dahil talaga naman bawat character ay lumalaban,” sabi niya.

Samantala, nakaabang na ang netizens sa bagong yugto ng serye pagkatapos mag-trending sa social media ang ilang mga pasilip na eksena. V

iral na nga ang isang post ng Klasik Titos and Titas of Manila tungkol sa “rag-to-riches” na kwento ni Susan Africa na nakakuha na ng 163,000 likes at iba’t ibang memes.

“After three decades, wala na siyang ubo.  The world is healing!  First time na hindi mahirap at hindi na inuubo ang role ni Susan Africa,” sabi sa post.

“Ms Susan Africa on her most Rockwell Plantita role,” komento ng sikat na social media influencer na si Macoy Dubs. “Miss Susan Africa after niya magnomo esss ng Robitussin chiiiiii.”

Natuwa rin ang netizens sa isang eksena kung saan nabuking na ni Ramon (Christopher de Leon) ang totoong pagkatao ni David (Mccoy De Leon). Pero sa tingin ng ibang netizens, baka panaginip lang ang eksenang iyon at hindi pa malalantad ang pagpapanggap ni David.

“Finally yung gigil nating lahat sa walanghiyang David na yan matutuldukan na hahahaha, lagot ka ngayon,” sabi naman ni @remuel004 tungkol sa tila pagpatay ng karakter ni Mccoy De Leon.

“Sana naman di yan panaginip ni david huh!! Banas na banas na ko dyan sa kayabangan ni david & rigor,” sabi ni @Maryella1703.

Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “FPJ’s Batang Quiapo.”

Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Related Chika:

Robin pinatitigil ang pagpapalabas ng ‘Plane’ ni Gerard Butler sa Pinas: ‘Reputasyon po ng Inang Bayan ang pinag-uusapan dito’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Panawagan ni Robin na i-ban sa Pinas ang ‘Plane’ ni Gerard Butler kinontra ng mga direktor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending