Jennylyn bibida pa rin sa 'Love, Die, Repeat'; balik taping pagkatapos ang panganganak | Bandera

Jennylyn bibida pa rin sa ‘Love, Die, Repeat’; balik taping pagkatapos ang panganganak

Therese Arceo |November 02,2021
facebook
share this

Jennylyn bibida pa rin sa ‘Love, Die, Repeat’; balik taping pagkatapos ang panganganak

Therese Arceo - November 02, 2021 - 08:10 PM

Jennylyn bibida pa rin sa 'Love, Die, Repeat'; balik taping pagkatapos ang panganganak

CONFIRMED na nga ang mga kumakalat na balita ukol sa pagbubuntis ni Jennylyn Mercado na naging sanhi ng pagka-delay ng taping ng kanyang teleseryeng “Love, Die, Repeat” kasama si Xian Lim.

Kalagitnaan nga ng kanilang lock-in taping nang makumpirma ni Jennylyn na siya ay nagdadalang tao kaya panandaliang ide-delay muna ang shooting at hihintayin si Jennylyn na maging physically ready matapos ang kanyang panganganak bago ito muling sumabak sa taping at tapusin ang natitirang mga eksena.

Lubos naman ang pasasalamat ni Jennylyn dahil nauunawaan ng management ang kanyang kalagayan.

“Maraming salamat sa aking GMA family for understanding my condition and allowing me to still finish Love, Die, Repeat next year once I am ready to work again,” saad ni Jennylyn sa kanyang Twitter post.

“Sobrang thankful ako at tuloy pa rin ang show. I love my GMA family, from the moment I started as an actress nafeel ko na hindi lang ako artista sa network, kundi parte ng pamilya nila,” pagpapatuloy ng aktres.

Saad pa niya, napakarami na raw ng kanyang mga pinagdaanan at kung wala raw ang GMA ay hindi alam ng aktres kung malalagpasan niya ang mga ito.

“I am blessed to be a Kapuso,” dagdag pa niya.

Samantala, isang pasabog naman ang naging anunsyo ni Jennylyn ay ng kanyang longtime partner na si Dennis Trillo nang ihayag nito na nalalapit na silang ikasal.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jen Mercado (@mercadojenny)

Kasabay rin nito ang kanilang pag-amin na tatlong buwan na ang dinadala ni Jennylyn sa kanilang exclusive interview sa “24 Oras”. Naganap naman ang pagpo-propose ni Dennis noong Oktubre 8.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pitong taon na ang relasyon nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na parehas na may mga anak sa kanilang naunang ka-relasyon.

Masaya naman si Jennylyn at hinihiling na sana ay maging baby girl ang ipinagbubuntis niya dahil parehas na silang may anak na lalaki na sina Alex Jazz at Calix.

Related Chika:
Dennis namanhikan na sa pamilya ni Jennylyn; aamin na kayang magkaka-baby na?
Tambalang Jennylyn-Xian kasado na: ‘Love, Die, Repeat’ coming to you bessies real soon!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending