Tambalang Jennylyn-Xian kasado na: 'Love, Die, Repeat' coming to you bessies real soon! | Bandera

Tambalang Jennylyn-Xian kasado na: ‘Love, Die, Repeat’ coming to you bessies real soon!

Ervin Santiago |August 17,2021
facebook
share this

Tambalang Jennylyn-Xian kasado na: ‘Love, Die, Repeat’ coming to you bessies real soon!

Ervin Santiago - August 17, 2021 - 08:30 AM

Xian Lim at Jennylyn Mercado

CONFIRMED! Tuloy na tuloy na ang pagsasamahang teleserye nina Jennylyn Mercado at Xian Lim sa GMA 7.

Makalipas ang ilang buwang ispekulasyon, kinumpirma na rin ng Kapuso Ultimate Star na si Xian na nga ang susunod niyang leading man para sa kanyang next project.

Sa kanyang official Facebook page, nag-post ang award-winning actress ng photo collage nila ni Xian na may caption na, “Abangan (heart emoji).”

May hashtag itong #LoveDieRepeat na na posibleng title ng kanilang teleserye. Hindi nagbigay ng karagdagang detalye ang aktres tungkol sa nasabing proyekto.

In fairness, libu-libong netizens ang nag-like sa kanyang post at halos lahat ay excited na sa pagtatambal nila ni Xian. 

May mga ilang nangnega sa kanilang pagtatambal (na tinatawag na ngayong JenXi ng mga fans), pero mas marami pa rin ang nag-post ng positibong komento.

Samantala, sa isa pang Facebook status ni Jen ay muli siyang nagbahagi ng kanyang litrato na may caption na, “Storycon in my pajamas because why not?! Love, Die, Repeat, coming to you bessies real soon!”

May nakita rin kaming FB post kung saan makikita nga si Jennylyn na nakikipagchikahan sa production staff ng “Love, Die, Repeat” sa pamamagitan ng Zoom.

Nakasama niya sa nasabing online meeting  sina Xian, Mike Tan, Gardo Versoza, Valerie Concepcion, Shyr Valdez, at Kim Domingo. Ito’y ididirek naman ni Irene Villamor.

Noong nagdaang July, nabalitang magiging Kapuso na rin si Xian at siya nga ang napiling leading man ni Jen sa isang teleserye. Nakatakda na nga raw ang kanilang lock-in taping.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Umugong ang chika na lilipat na rin ang boyfriend ni Kim Chiu sa GMA nang maging guest co-host ang binata kasama ang isa pang Kapamilya star na si Jessy Mendiola, sa TV special para sa isang online shopping app na napanood sa GMA 7.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending