Dennis namanhikan na sa pamilya ni Jennylyn; aamin na kayang magkaka-baby na? Bandera

Dennis namanhikan na sa pamilya ni Jennylyn; aamin na kayang magkaka-baby na?

Therese Arceo |October 12,2021
share this

Dennis namanhikan na sa pamilya ni Jennylyn; aamin na kayang magkaka-baby na?

Therese Arceo October 12, 2021 - 08:04 PM

JENNYLYN MERCADO AT DENNIS TRILLO

USAP-USAPAN ngayon ang aktres na si Jennylyn Mercado matapos makita na isang maternity ang naka-tag sa kaniyang latest Instagram post kung saan pinapasalamatan nito si Gideon Hermosa na nag-ayos ng kanilang Christmas Tree.

Sey ng mga netizens, mukhang inuunti-unti na raw ng dalaga ang pag-aanunsyo sa kaniyang kasalukuyang lagay.

Matatandaang naging laman ang pangalan ng aktres sa mga blind items na nagkalat ukol sa isang female star na diumano’y buntis at sinundo ng ambulansya habang nasa lock-in taping.

Agad naman siyang idinawit sa chika dahil bigla itong sinundo ng ambulansya sa kasagsagan ng kaniyang lock-in shooting dahil sa medical emergency nito.

Mas tumindi pa ang chika nang lumabas ang isyu kung papalitan ba ang aktres bilang main character sa kaniyang teleseryeng “Love. Die. Repeat.”

Ngunit nagdesisyon naman ang management na hintayin na lang ang aktres bago muling mag-taping.

Marami tuloy ang excited para sa magiging announcement ng aktres at ng longtime partner nitong si Dennis Trillo.

May kumakalat rin kasing balita na namanhikan na ang aktor sa pamilya ni Jennylyn.

Isinulat rin ito ng kolumnista at talent manager na si Lolit Solis sa kaniyang Instagram account.

“Kung totoo iyong nabalita at nabasa ko na namanhikan na ang parents ni Dennis Trillo kila Jennylyn Mercado, ang saya,” umpisa ng talent manager.

“Hindi naman siguro gugustuhin ni Jennylyn na sa pangalawang pagkakataon ay wala pa rin sa tabi niya ang lalaking mahal niya para makasama sa exciting stage ng buhay niya bilang babae,” dagdag pa niya.

Aniya, deserve naman daw ng aktres ang love and care mula sa taong mahal niya.

“Dapat talagang nasa tabi niya ito para suportahan siya at manindigan sa desisyon ginawa nila.

“Happy days for Jennylyn Mefcado and Dennis Trillo. Best wishes sa tatahakin nilang bagong buhay. A round of applause for their happiness,” hirit pa niya.

For sure ay marami sa mga supporters ng dalawa ang abang na abang na sa magiging kumpirmasyon ng dalawa kung ano na ba ang estado ng kanilang pagsasama lalo na nga’t matagal na rin silang magkarelasyon.

Sa simbahan na nga ba ang punta ng dalawa? Abangan natin.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending