Sam Milby 'yes' agad sa reunion movie nila ni Jennylyn Mercado, sa Cebu at South Korea ang shooting | Bandera

Sam Milby ‘yes’ agad sa reunion movie nila ni Jennylyn Mercado, sa Cebu at South Korea ang shooting

Reggee Bonoan |August 09,2023
facebook
share this

Sam Milby ‘yes’ agad sa reunion movie nila ni Jennylyn Mercado, sa Cebu at South Korea ang shooting

Reggee Bonoan - August 09, 2023 - 09:57 PM

Sam Milby 'yes' agad sa reunion movie nila ni Jennylyn Mercado, sa Cebu at South Korea ang shooting

PAREHONG excited at looking forward sina Sam Milby at Jennylyn Mercado sa balik-tambalan nila sa pelikula na may working title na “All About My Wife”.

Ito ay ang Philippine adaptation ng South Korean film with the same title na hango sa Argentinian hit comedy film na “A Boyfriend for my Wife.”

Nang mabasa pareho nina Sam at Jen ang script ni Rona Co ay nagustuhan talaga ng dalawa kaya “yes” agad ang sagot nila sa producer na CreaZion Studios.

Supposedly isasali ito sa Metro Manila Film Festival 2023 pero dahil nagkasakit si Jennylyn plus tinatapos din niya ang naiwang serye nila ni Xian Lim na “Love. Die. Repeat.” o “LDR” sa GMA 7 kaya hindi na ito aabot at napagplanuhan na lang na ipalalabas ito bilang pre-Valentine release sa 2024.

Ang tarush ng shooting nina Sam at Jennylyn dahil gagawin ito sa Cebu at South Korea na ididirek ni Real Florido na isa rin sa co-founder at chief creative officer ng CreaZion Studios.

Anyway, base sa kuwento ng manager ni Jennylyn na si Tita Becky Aguila ay excited na ang alaga niyang mag-shoot ngayong October.

“Natuwa si Jen na si Sam ang kasama niya, it’s a big project, it’s Jen’s comeback sa movies,” say sa amin.

Baka Bet Mo: Sam Milby excited nang pakasal at magka-baby kay Catriona Gray: Hintayin n’yo lang, masu-surprise rin kayo!

Sabi naman ng Cornerstone Entertainment manager at handler ng aktor na si Caress Caballero, “Birthmate sobrang funny ‘yung movie kaya si Sam umoo agad at inayos na kaagad namin ang schedules niya.”

Romantic-comedy daw ang genre ng “All About My Wife” kaya bagay sa dalawa na naunang nagsama sa pelikulang “The PreNup” noong 2015.

Ang ganda ni Jennylyn ngayon at kahit may asawa’t mga anak na ay bagay pa rin sila ni Sam base na rin sa nakita naming larawan sa social media.

Anyway, binanggit sa amin kung sino ang aktor na kasama rin sa “All About My Wife” na gaganap bilang boyfriend ni Jennylyn at hindi na muna namin ito babanggitin dahil ayaw naming pangunahan ang CreaZion Studios bilang sila ang producer.

Ang clue na lang ay nagkasama na sina Sam at ang aktor na ito na kung hindi kami nagkakamali ay dalawang projects na at magkaibigan din silang dalawa.

Samantalang minsang na-link naman si Jennylyn sa aktor na ito kaya for sure ay magkakatawanan silang dalawa kapag nagsimula na silang mag-shoot.

Ang ending, siguradong magiging masaya ang tatlo sa set.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Judy Ann Santos, Sam Milby mananakot sa ‘The Diary of Mrs. Winters’, kasado na ang shooting sa Canada

Catriona Gray engaged na nga ba kay Sam Milby: Today made me the happiest!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending