Sam Milby inaming si Catriona Gray na ang 'the one': Pero hindi pa po kami kasal | Bandera

Sam Milby inaming si Catriona Gray na ang ‘the one’: Pero hindi pa po kami kasal

Reggee Bonoan |February 07,2023
facebook
share this

Sam Milby inaming si Catriona Gray na ang ‘the one’: Pero hindi pa po kami kasal

Reggee Bonoan - February 07, 2023 - 04:20 PM

Sam Milby inaming si Catriona Gray na ang 'the one': Pero hindi pa po kami kasal

Catriona Gray at Sam Milby

SINANG-AYUNAN ni Sam Milby ang sinabi ng kanyang girlfriend na si 2018 Miss Universe Catriona Gray na napag-uusapan na rin nila ang pagpapakasal.

Pero natatawa ang singer-actor-producer dahil may kumalat na tsismis na kasal na raw sila ng beauty queen at TV host.

Sa storycon ng pelikulang “The Diary of Mrs. Winters” ay nakausap ng press si Sam tungkol dito at natatawa niyang sabi, “It was just funny when it came out and yeah it was obviously dahil sa post ni Cat wala namang sinabing about the wedding but there’s other person na nag-post na si Mrs. Catriona Gray-Milby ang co-host ng Miss Universe 2022.

“They connected and they thought na kasal na kami which is not true! Hindi pa kami kasal, assumptions lang ng mga tao,” diin ng aktor.

At diretso naming tanong kung si Cat na ba ang “the ones.” “Yes! I do believe so,” nakangiting sabi ni Sam.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Cornerstone Entertainment Inc (@cornerstone)


Hirit namin kung kailan ba mangyayari ang kanyang proposal at kung ngayong taon ba ito, pero tumawa nang tumawa ang binata dahil pag sinagot nga naman niya kung kailan ay hindi na ito sorpresa para kay Catriona.

“Why would I (natawa)…the announcement. It’s not something that I (would tell),” saad ng binata at sinabi namin na excited lang kaming malaman.

Edad 39 na ngayong 2023 si Sam at lumampas na ang dati niyang sabing mag-aasawa siya sa edad na 36 pero nabago na ang lahat.

“I think, we have several plans sa buhay tapos hindi nangyayari. You have to be ready na life never goes the way you planned it.

“I think my ideal age nu’ng sinabi ko dati was 35, ideal age to get married and halos lahat ng kaibigan ko may asawa’t anak na,” pahayag ng aktor.

Kaya hindi na raw siya nagsasabi kung anong edad niya siya mag-aasawa dahil napi-pressure siya, “I think the right love is worth the wait.”

Ten years ang age gap nina Sam at Catriona pero hindi ito ang dahilan kung bakit dine-delay pa nilang i-level up ang kanilang relasyon.

“Hindi naman, ‘yung age gap namin parang mas batang isip pa ako kung paano ako mag-act kaysa sa kanya.  She’s very mature for her age, she just turned 29 (noong January 6), she’s very ambitious, she’s very matalino, very family oriented,” papuri ni Samuel Lloyd sa kanyang “the one.”

Sa 10 taong agwat ng edad ng dalawa ay click sila at bihira raw silang magkaroon ng gusot, “We just get along. Honestly wala kaming malalaking away for how long we’ve been together wala kaming malalaking away.”

Marami raw silang pagkakaiba at pagkakaParehong ugali, “They say that you should marry your bestfriend and yeah, she’s my bestfriend and vice versa.”

Samantala, excited si Sam na muli silang magkakatrabaho ni Judy Ann Santos sa “The Diary of Mrs. Winters” kaya panay ang pasalamat niya sa aktres at kay Direk Rahyan Carlos dahil isinama siya sa movie project na ang principal shooting ay sa Toronto, Canada.

Ten years ago na kasi ‘yung teleserye nilang “Huwag Ka Lang Mawawala” noong 2013 at inamin nang dalawa na smooth ang working relationship nila, walang pressure at higit sa lahat, hindi sila na-link dahil may asawa na that time ang aktres at higit sa lahat, magkakilala sina Sam at asawa ni Judy Ann na si Ryan Agoncillo.

“Alam ni Rye na safe ako kay Sam, hindi man sila close pero magkakilala sila,” say naman ni Juday.

Aabutin nang mahigit dalawang linggo ang shooting ng “The Diary of Mrs. Winters” sa Toronto at pagkatapos ay kukunan naman ang mga eksena dito sa Pinas.

As of this writing ay walang date kung kailan ang theatrical showing ng “The Diary of Mrs. Winters” sa bansa dahil plano ring isali ito sa iba’t ibang international film festival.

Patungong Toronto, Canada bukas, Pebrero 8 sina Judy Ann, Direk Rahyan at iba pang cast ng horror-drama-thriller na “The Diary of Mrs. Winters” maliban kay Sam dahil may kailangan pa siyang asikasuhin dito sa Pilipinas.

Ang AMP Studios Canada at Happy Karga Films ang nagprodyus ng reunion project nina Juday at Sam.

Judy Ann Santos, Sam Milby mananakot sa ‘The Diary of Mrs. Winters’, kasado na ang shooting sa Canada

Sam Milby excited nang pakasal at magka-baby kay Catriona Gray: Hintayin n’yo lang, masu-surprise rin kayo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

John wish na ma-experience na ni Sam ang magkapamilya: Hindi naman sa pini-pressure ko siya na I have 3 kids na…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending