Sam Milby excited nang pakasal at magka-baby kay Catriona Gray: Hintayin n’yo lang, masu-surprise rin kayo! | Bandera

Sam Milby excited nang pakasal at magka-baby kay Catriona Gray: Hintayin n’yo lang, masu-surprise rin kayo!

Ervin Santiago |November 01,2022
facebook
share this

Sam Milby excited nang pakasal at magka-baby kay Catriona Gray: Hintayin n’yo lang, masu-surprise rin kayo!

Ervin Santiago - November 01, 2022 - 08:37 AM

Sam Milby excited nang pakasal at magka-baby kay Catriona Gray: Hintayin n’yo lang, masu-surprise rin kayo!

Rhea Tan, Sam Milby at Catriona Gray

NAIIRITA at napipikon nga ba ang Kapamilya actor na si Sam Milby kapag palaging natatanong kung kailan ba siya magpo-propose kay Miss Universe 2018 Catriona Gray?

Muli kasing nausisa ng ilang members ng entertainment press si Sam kung kailan nila planong magpakasal ng kanyang girlfriend na si Catriona.

Sabi ng hunk actor, gusto na rin daw niyang bumuo ng sariling pamilya at magkaroon ng baby dahil aminado siyang hindi na rin siya bumabata.

“Hindi naman ako naiinis (kapag tinatanong tungkol sa wedding), I guess siguro kung masyado nang makulit,” ani Sam sa mediacon ng Beaurederm Corporation kung saan ni-launch nga siya bilang bagong ambassador ng mga health booster na all original at made in Japan, ang Kenzen Yasaides, Reiko ShiroSan at Kenzen Mizu Plus.

Pagpapatuloy pa ni Sam, “Do I feel pressured? A lot of people are asking me that because karamihan ng mga kaibigan ko, they’re married, they have kids.”

Sa edad na 38, gusto na rin daw niyang magka-baby, “I do, I’m excited.”

Pero si Catriona kaya, handa na rin kayang magpakasal, mabuntis at magsilang ng baby? Sey ni Sam, ayaw niyang sumagot para sa dalaga.

“She’s still young, I don’t wanna answer for her but yes, napag-uusapan na namin,” sabi ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Catriona Gray (@catriona_gray)


Nilinaw naman ni Sam na hindi naman dahil may gusto pa siyang marating sa buhay kaya hindi pa siya nagpo-propose kay Catriona.

“It’s not really achieving. Hindi naman parang may isang bagay na humaharang sa akin, it’s not that. ‘Wag n’yo ‘kong pangunahan,” ang natatawang paliwanag ng binata.

Katwiran pa niya, “It’s a stage that I’m excited and looking forward. Abangan niyo kapag dumating na ang stage na ‘yan. Siyempe, hintayin n’yo lang, masu-surprise rin kayo,” aniya.

“I’m not getting any younger also, siyempre. I’m turning 39 next year,” natatawa pang sabi ni Sam.

At sa tanong kung si Catriona na nga ba ang kanyang “the one”, “I do believe so. I do.”

Samantala, very proud boyfriend din si Sam nang malamang nominated si Cat sa Asian Television Awards as Best Host para sa “Top Class: The Rise to P-Pop Stardom.” At siya rin ang magiging host ng awards night na gaganapin sa Singapore.

“I’m so proud of her, I’m so happy for her, she definitely deserves it, that’s where… and the many things that she does, (she) shines. It’s one thing that she’s very comfortable with,” ani Sam.

“She has it, she’s very natural at hosting, and she deserves it. I’m sure it’s going to be one of many. It’s funny because she’s actually hosting that event at the same time. She’s nominated and she’s hosting that event. So, I’m very proud of her and I’m very happy for her,” dagdag pa niya.

Hugot ni Catriona ngayong b-day ni Sam: So sad I can’t be with you today

Gerald napa-walkout sa prank ni Ivana; Jake, Sam, Jameson hindi rin nakaligtas

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sam Milby may warning sa mga susunod na leading man ni Ivana Alawi…ano kaya yun?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending