Sam Milby may warning sa mga susunod na leading man ni Ivana Alawi...ano kaya yun? Bandera

Sam Milby may warning sa mga susunod na leading man ni Ivana Alawi…ano kaya yun?

Ervin Santiago |June 09,2022
share this

Sam Milby may warning sa mga susunod na leading man ni Ivana Alawi…ano kaya yun?

Ervin Santiago June 09, 2022 - 02:00 PM

Ivana Alawi at Sam Milby

NAGBIGAY ng “warning” ang Kapamilya actor at singer na si Sam Milby sa mga susunod na leading man ni Ivana Alawi.

Sa unang pagkakataon, makakasama ni Sam ang sexy actress-vlogger sa isang Kapamilya teleserye, ang “A Family Affair” na pagbibidahan din nina Gerald Anderson, Jake Ejercito at Jameson Blake.

Nagkuwento ang boyfriend ni Catriona Gray tungkol sa mga naging experience niya working with Ivana sa solo virtual presscon na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN para sa “A Family Affair” kahapon, June 8.

Pahayag ni Sam patungkol kay Ivana, “She’s been easy to work with. She is a lot of fun. Just be ready du’n sa mga asar na mangyayari. Ha-hahaha!”

Kasunod nito, pinaalalahanan nga ng hunk actor ang mga susunod na makakatambal ng dalaga sa kanyang next projects, “Don’t make her do hiking. Ha-hahaha!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)


Chika ni Sam, nag-organize kasi siya ng bonding day kasama ang nga co-stars niya sa “A Family Affair” bago sila tuluyang sumabak sa lock-in taping.

Ang naisip niyang gawin ng grupo ay mag-hiking sa Masungi Georeserve sa Tanay, Rizal. Inakala raw niya na gusto ito ng lahat ng kasamahan niya.

“Si Ivana, hindi ko alam na ayaw niya mga kahit anong workout or anything like that.

“She does not like anything where she has to exert a lot of physical energy. I think deep down inside, we all agreed na she enjoyed,” natatawa pa ring sabi ni Sam.

Pero feeling naman niya, kahit napagod at nahirapan nang bonggang-bongga ang sexy actress ay nag-enjoy naman ito sa ginawa nilang activity.

“Pero ‘yung itsura niya parang ‘Kuya, ilang percent pa? Ha? 75% pa!?’ ‘Yung parang galit na galit siya. Ha-hahaha! It was a 3-hour hike, simple hike. She was showing she was not happy but feeling ko, nag-enjoy siya,” chika pa ng binata.

Sa kuwento ng “A Family Affair” gumaganap si Sam bilang si Dave, na magiging kaagaw ng karakter ka ni Gerald Anderson sa puso ni Alawi.

“I’ve done great characters. But itong teleserye mas naka-focus sa pamilya. Ako ‘yung panganay sa magkakapatid.

“I think sa struggle na nangyayari kay Dave, it’s something I’ve never really done sa teleserye na ginawa ko dati,” kuwento ng aktor.

Isa raw sa magiging sentro ng kuwento ang mga ginagawang sakripisyo ng panganay na anak kabilang na ang pagpili sa pamilya kesa sa taong pinakamamahal niya.

“There’s a lot of people sa mundo na ‘yun ang choice nila — ‘yung sacrifice na kailangan nilang gawin. ‘Yung iiwan mo ‘yung pagmamahal para sa pamilya,” sey ni Sam.

Gerald, Sam magsasama sa seryeng ‘A Family Affair’, si Ivana pa rin ba ang leading lady?

Ivana umaming super crush si Sam, pero takot na takot sa unang araw ng taping nila para sa ‘A Family Affair’

Hugot ni Catriona ngayong b-day ni Sam: So sad I can’t be with you today

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending