Fyang Smith wish maka-work si Kathryn; Ivana pangarap si Papa P

Fyang Smith wish maka-work si Kathryn; Ivana Alawi pangarap si Papa P

Ervin Santiago - March 16, 2025 - 08:00 AM

Fyang Smith wish maka-work si Kathryn; Ivana Alawi pangarap si Papa P

Ivana Alawi at Fyang Smith

BUKOD kay Vice Ganda, wish din ni “PBB Gen 11” Big Winner Fyang Smith na makatrabaho ang sext actress-content creator na si Ivana Alawi.

Iyan ang isa sa mga rebelasyon ni Fyang nang maging special guest siya ni Ivana sa YouTube channel nito kung saan sila nag-mukbang at nagchikahan nang bonggang-bongga.

Puring-puri ni Ivana ang ugali at personalidad ni Fyang nang magkuwento siya sa ilang members ng showbiz press kamakailan para sa kanyang pa-thanksgiving.

Talaga raw super nag-enjoy si Ivana sa vlog collab nila ng Kapamilya star at umaasa rin siya na mabigyan sila ng pagkakataon na magkasama sa isang acting project.

Sa isang panayam, nahingan si Fyang ng reaksyon sa magagandang salita na ibinigay ni Ivana patungkol sa kanya.

“Dumaan po siya sa feed ko and sobrang na-touch po ako. Sobrang naoverwhelm po ako kasi nag-iisang Ivana Alawi na sinabi na ako yung favorite niya.

“Tungkol po sa vlog namin, actually nakalimutan ko po na vlog po pala yun sa super nag-enjoy po talaga ako with Miss Ivana,” aniya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Dagdag pa ng dalaga, “Actually si Miss Ivana rin po yung gusto kong makawork if ever may teleserye or movie, super happy po ako.”

Sa chikahan ng dalawang Kapamilya stars, nalaman ng madlang pipol na pareho rin nilang gustong maka-work sina Kathryn Bernardo at Anne Curtis. Type rin ni Ivana na makasama sa isang project si Piolo Pascual.

Tungkol naman sa kanilang dream wedding, gusto nina Fyang at Ivana na magpakasal sa simbahan.

Samantala, hindi man niya nasusubaybayan ang “PBB Celebrity Collab Edition”, parang relate-much daw siya sa housemate na si Esnyr.

“I saw clips po online and parang nakikita ko po yung sarili ko kay Esnyr,” ani Fyang.

“Super nakakatuwa po na magkasama sa isang bahay yung mga taga GMA at ABS-CBN. I don’t think meron pong hadlang or any or kahit anong problema doon. Feeling ko magiging masaya po yung batch po ngayon. Happy po ako for them,” sey ni Fyang.

Ano naman ang mensahe niya sa mga nanonood ng latest edition ngayon ng “PBB”? “Wag po silang mang-judge easily kung ano lang po yung napapanood nila. Yung iba, ang hilig po nilang mag-judge the way na nakikita nila yung isang tao sa screen.”

At ito naman ang advice niya sa mga bagong housemates ni Kuya, “Huwag kayong matakot ipakita ‘yung sariling ugali n’yo talaga.

“Kasi ako, kahit unang pasok ko pa lang, pinakita ko na talaga. And even if some people won’t like you, it’s okay. Choice naman nila ‘yun kung ayaw nila sa ‘yo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi naman lahat talaga maa-appreciate ‘yung ugaling meron ka, pero ipakita mo lang kung ano ka. Mas maraming magmamahal sa ‘yo,” saad pa ni Fyang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending