Ashley Ortega 'di nakakausap ang ina: Sana magbati na kami

Ashley Ortega 3 years nang ‘di nakakausap ang ina: Sana magbati na kami

Therese Arceo - March 12, 2025 - 08:05 PM

Ashley Ortega 'di nakakausap ang ina: Sana magbati na kami

EMOSYONAL ang Kapuso actress na si Ashley Ortega nang mapag-usapan nila ng Kapamilya actress na si Ivana Alawi ang kanilang mga magulang.

Habang sila ay nasa garden area ng “Pinoy Big Brother” house at kinikilala ang isa’t-isa, nagkaroon ng heart to heart talk ang dalawa.

Kuwento ni Ashley, tatlong taon na niyang hindi nakakausap ang kanyang ina.

Viral na nga ngayon ang isang video na uploaded sa TikTok amg pag-uusap ng dalawa.

Baka Bet Mo: Ashley Ortega binalaan ng netizens, Carmina Villarroel damay?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Three years na akong living alone, ako lang mag-isa. Galit pa rin siya sa akin. I haven’t spoken to her in three years,” pagbabahagi ni Ashley.

Nagulat naman si Ivana sa naikuwento ni Ashley sa kanya dahil ang buong akala niya ay inihatid siya ng pamilya nito bago pumasok sa PBB house.

“You know, it’s really hard when you fight with your family,” sey ni Ivana.

Sagot naman ni Ashley, “Oo naman, alam ko naman ‘yon. Ako lang mag-isa, saka si Mavy [Legaspi], ang dyowa ko.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hiling rin ng Kapuso actress na sana ay magkaayos na sila ng ina.

“Mag-isa lang ako. I’m a strong independent girl…Sana magbati na kami. Hinihintay ko lang naman siya,” sey pa ni Ashley.

Umaasa rin siya na maaring maging tulay ang pagpasok niya sa loob ng Bahay ni Kuya sa pagiging ok nilang mag-ina.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending